7.03.2006
Pagibig sa tinubuang lupa
Andres BonifacioAling pagibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pagibig sa sariling lupaAling pag-ibig pa? Wala na nga, wala
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal at ingat
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat
Kalakhan din niya’y isinisiwalat
Walang mahalagang hindi naihahandog
Ng may pusong mahal as Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod
Buhay ma’y abuting makalagut-lagot
Bakit? Alin ito na sakdal ng lahi
Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal makapangyayari
At ginugugulan ng buhay na iwi?
Ito ay ang Inang-Bayan tinubuan
Siya’y ina’t tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Nangbibigay-init sa buong katawan
Kalakip din nito’y pagibig ng Bayan
Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal,
Mula sa masaya’t gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa’y mapasa-libingan
Sa aba ng mawalay sa Bayan,
Gunita ay lagging may sakbibing lumbay
Walang alaala’t inaasam-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan.
♡ I'll remember you { Lunes, Hulyo 03, 2006 }