9.14.2006
elow.
Nahihirapan na ako. Sino ba ang pwede saking tumulong sa paghahanap ng MP3 ng song na Panunumpa ni Carol Banawa. Kailangan ko kasi talaga eh. Nakakainis nga eh. Bad trip. Halos lahat ng download sites may bayad. Tae. Hahah. So. Kahapon nagpunta kami ng araneta para manuod ng NCAA pero nabigo ang "RED CUBS" dahil natalo sila. Hay. Buhay nga naman. Tapos non. Nanood naman kami ng laban ng MAPUA at BEDA. Seniors naman. Panalo kami pero muntik na matalo kasi medyo natagilid nung 3rd Quarter.
Sa Lunes, sabi ni Mr. Seguban, half day daw dahil daw sa laban ng "RED LIONS" dahil pagkatapos ng 28 years ay ngayon lang ulit sila nakapasok sa Finals.
O diba?
Haha.
Inaantok na ko pero hindi parin ako nakakapagdownload ng mp3 ng panunumpa! Leche.
Alam niyo. Bakit kaya ang daming nagkakagusto kay Al Jamal a.k.a number 9 ng Beda.
Hmm.?
Cge hanggang dito nalang. Di kasi talaga ako mahilig magpost ng mahaba eh.
Bye.
♡ I'll remember you { Huwebes, Setyembre 14, 2006 }