9.10.2006
gandang umaga.
Magandang umaga sa inyong lahat. Ngayon po ay ganap na 10:12 ng umaga. Dapat po ay magba-"badminton" ako ngayon ngunit hindi natuloy kasi ang mga kasama ko ay hindi makakarating sa aming pupuntahan. Ganon pa man ay magka-"karate" na lamang ako ngayon.Hay, mapapagod na naman ako. Kahapon, medyo masaya ako kasi ka-"text" ko ang madaming tao at lahat sila ay nare-"reply" o diba? saya!
Kagabi ay gumawa ako ng takdang aralin sa subject na English at Math, pero mamaya, tatapusin ko na ang hindi natapos na "quiz" sa Science(Biology:Genetics:Monohybrid Crosses) medyo mahirap lang din kung hindi ka nakikinig kay Seguban.
Mamaya, siguro ay magsisimba ako at pakakainin ko ang aking espiritu. Haha. Gustom na kasi eh. At syempre kasama ko ang nanay ko. Haha.
bye na muna...
may gagawin lng ako
♡ I'll remember you { Linggo, Setyembre 10, 2006 }