10.09.2006
tula
LIMOT(tula ko toh sa isang taong pinakamamahal ko)
Sa libo-libo ba namang tao sa mundo,
Bakit pa kasi ikaw pa ang minahal ko?
Kung di nga naman ako isa’t kalahating tanga,
At sa’yo pa ako nagpapantsya.
Hindi ko alam kung pagibig ba talaga ito,
Ako’y sadyang litong-lito.
Kapag andyan ka gusto kong sumirko,
At iumpog ang ulo sa matulis na bato.
Pagwakas ba sa buhay? Hindi ito sagot!
Lutasin na ito bago pa magkalagut-lagot.
Kalimutan nalang at isawalang bahala,
Ang puso kong tinamaan ata ng bala.
Oo, tama, kalimutan nalang
At magmahal ng ibang nilalang.
Dahil alam ko na hindi mo ako mahal.
At ayoko na talagang maging isang hangal.
♡ I'll remember you { Lunes, Oktubre 09, 2006 }