1.24.2007
elow.
Hay.FIELD TRIP!
Masaya naman ang field trip namin. Nagising ako ng mga 4 am tapos naligo ako at kumain ako. Mga bandang 4:30 or 4:45, umalis na ako ng bahay at pumunta na ng school dahil ang nakasulat doon sa notice ay 5:45-6:00 daw dapat asa school na. Dumating ako ng cubao mga 5:00, dahil medyo mahaba ang lakaran, dumating ako sa sakayan ng jeep mga 5:15 na, ung jeep na nasakyan ko ay nakapila at naghahantay pa ng pasahero, habang naghihintay ay isinaksak ko muna sa tenga ko ang earphones ng mp3 player ko with matching my chemical romance songs. Dumating ako sa school ng eksaktong 6am na medyo madilim pa pero nakita ko na madami narin palang tao. Yun pala ay ang orientation na nasabi sa letter, ay gagawin na lamang sa bus habang papaalis na sa beda.
Umalis na kami ng beda. Habang umaandar kami papaakyat ng highlands pointe, dumadakdak yung facilitator namin na nakalimutan ko yung pangalan. All i know, bading siya. ahaha. Tapos ang tawag daw sa driver ay Coach Captain Boy, kasi boy yung pangalan tapos title daw nila dun sa mga driver ay Coach Captain. (TAE) Ayun, tumahimik din siya sa kadadakdak tungkol sa mga SOP's nila at nagsimula kaming magkagulo ahah. Una, ang plano kong katabi ay si Clarisse, ngunit dumating si Lea kaya siya na ang naging katabi ko ngunit lumipat siya sa katapat kong upuan pagkat may nakaharang daw sa view niya nung bintana. HAY.
Nagstopover kami sa petron sa may SLEX upang mag-CR at bumili ng pagkain. Nilibre ako ni Bernard Lacerna ng isang "GRANDE" na Mocha Frapp. WOW. YAMAN NI BERNIE!! Heheh. Tapos nagpicture kami ni Kenneth gamit ung digicam ko sa Mcdo and ang cute nung kuha namin. eheh.
Umalis na kmi sa petron and continued our way to Forest Club Park, Laguna. Pagdating namin dun ay pinagpalit na kami nung bading ng damit na pang harabasan, too bad maong ang dala kong shorts so medyo mahirap gumalaw. Una naming ginawa ay ung Rope Course na tatawid ka sa tubig na nakatapak at nakalambitin sa lubid, nung ako ay naglalakad, nanginginig ang tuhod ko ay parang naiiyak na ako. Pagdating ko dun sa kabila, nanginginig parin yung tuhod ko ay super naiiyak na ako buti nalang napigilan ko. Tapos nung, dumiretso kami sa Canopy walk na medyo natakot ako kasi baka mahulog nga naman ako... Ganito yan... ahaha. Diretso... Lakad... Hinto, Punas Pawis... Lakad... Onting Dakdak... Konting kalandian sa pagiwas sa mga lintek na nakaharang na puno. Hinto. Isip. (MALAYO PA B??) Lakad. dirediretso. ayun!!! tpos na pala. Ahaha. kakatakot no. ahah. Tpos nun ay yung bamboo rafting na hindi ako nahulog dahil kay lea. ahah. Tapos nun, mud crawling na. LECHE.
HINDI NAMAN MUD LNG YUN EH. MUD POOL. puta! puro tubig. umaagos pa. Tapos ng lintik na mud crawling nayan. Derecho sa CR para mag-shower tapos kasabay ko si Jai sa shower tapos ang init nung tubig tapos nililinis ko yung pants ko na puro buhangin yung mga pockets tapos. SECRET NA. ahah. Tapos nun. KAINAN NA!!!
HAHA. pgktapos kumain. DAPAT POOL GAMES NA KAMI kso nauna yung iba so field games muna kmi like buko relay and caterpillar chuva na hindi kami nanalo even once. haha
TAPOS NUN POOL NA.
SHIT SUPER INIT NUNG POOL!!! NAKAKALUTO NG ITLOG PUTA!!! ITLOG KO LUTONG LUTO LECHE!!!
Tae!!! super init. kaya hindi rin kami masyadong nagtagal at naligo na kami at nagbihis. before long. umalis narin kami. AYUN.
PAUWI... hmm... tulog lahat!! haha.
ako hindi ako makatulog. kaya kung ano ano nalang ang ginawa ko like nambulabog ng natutulog. nagpicture-picture, yumakap kung kani-kanino... ahah. tpos eventually, nakatulog narin ako. TAPOS PAG-GISING KO. sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, sumabit sa hita ko yung cord ng earphone ng creative mp3 player ko tapos nahugot yung earphone. Pag saksak ko ulit, wala ng voice, background music nalang so parang minus 1 yung nangyari. nsira yung saksakan ng earphone ng mp3 ko. ngaun, bago pa naman siya so may warranty pa... monday last week lang siya binili so pwede pa. haha. kaylangan ko lang malaman yung shop na pinagbilan so i can go there to get it fixed.
Anyways, dumating kami sa school mga 6:15, aun. umalis kami nina ton kasabay sina Bien at Mic. After that, nagmcdo kmi ni ton sa may emerald avenue, malapit sa meralco sa ortigas tpos ayun. HAHA.
Dumating ako sa bahay mga 8, nagayos ako ng gamit. mga 9 natulog narin ako.
haha...
AYUN LANG. SAYA NOH!!?? JIMBOY AYLABYU
♡ I'll remember you { Miyerkules, Enero 24, 2007 }
1.19.2007
O2JAM!
haha.Katatapos lang ng mga exam namin. Ang tanging masasabi ko ay Mahirap ang SocSci at the rest, ayus lang. Kumbaga. SUPER NABALIW AKO SA SOCSCI! haah.
Ngayon. ADIK AKO SA O2JAM!! SHET! 3 ARAW PALANG AKO NAGLALARO LVL 10 NA AKO. HAHA.
ODIBA?
haha.
♡ I'll remember you { Biyernes, Enero 19, 2007 }
1.11.2007
hello...THIS FREAKING WEEK IS SO IRRITATING...
♡ I'll remember you { Huwebes, Enero 11, 2007 }
1.02.2007
hellow
hay. I still got a project to do. I need to do my English book report. Oh my God I curse Pasion. I hate her but she's quite nice but I think she's no match for Ms. Nette. Omg. I'm to harsh. NAH! Haha.I'm currently watching Richie Rich. That's all.
♡ I'll remember you { Martes, Enero 02, 2007 }
1.01.2007
mikko.
YAN MIKKO. NALINK NA KITA. ^_^ yahaha.Hay. Ngaun ay 1:08 am na poh ng new year's day! ahah. Hindi parin tapos ang putukan dito samin. OMG. Kanina. Nahulugan ako ng debris ng mga fireworks. Nagulat nga ako akala ko ipis. YAK! Ahaha. Tapos ayun. Nagbidyo-bidyo ako gamit yung digicam, videocam and fone ko. Ganda ng fireworks. Nakakatuwa. Hahah. ETO ang pinaka-una akong post for the year 2007. Lalang. Sa gusto ko magpost ngaun eh. Ahaha. Lalang.^_^ hahah.
Pagkatapos ko manuod ng payrworks ay kumain ako ng fried Liempo, Ham, pasta, hotdogs, marshmallows, grapes, orange and i drank Coke. Haha. lalang. Super busog na busog na nga ako eh. Hay. TATABA NA NAMAN AKO. (as if naman hindi ako mataba ngaun. haha.)
Ngaun. Nipakikinggan ko yung CD ko ng My Chemical Romance na "The Black Parade". This fucking compilation is fucking tragic and sad. Hay, if you would only understand the meaning of the album, it's about a story of a guy that's about to die with terminal cancer. Hay, totoo nga na the only sure thing in this life is to die. Hay.
Hay. Fave ko ngayon yung song na Famous Last Words. Hay.
Tapos mamayang umaga ay pupunta kami sa bahay ng lola ko sa may Novaliches ay mag nu-new year's day meal. eheh. ^_^
geh. hanggang dito nalang muna. HAPYP NEW YEAR!!
♡ I'll remember you { Lunes, Enero 01, 2007 }