4.29.2007
Wierd
Ang weird ng napili kong skin ngayon para sa aking blog. Meron siyang kaunting alingment para dun sa blog item title at dates. Hindi ko pa siya maayos pagkat tinatamad ako. Ngayon ay 3 am na at gising pa ako. Himala hindi ba? Ewan. Basta ang alam ko, ayaw ko pang matulog. Yan na muna. TAMAD TALAGA AKO.
♡ I'll remember you { Linggo, Abril 29, 2007 }

4.20.2007
Pagbabalik.
Isang napakalaking desisyon ang aking ginawa ngayong araw na ito. Ito ay desisyon na pinagisipan ko talagang maigi. Ito ay ang desisyon na pagupitan na ang aking apat na buwan na inalagaan at pinahabang buhok. Isang masakit na desisyon kung ako ang tatanungin niyo ngunit hindi ko na matanto kung ano ang gagawin ko dito kapag labis na naiinitan na ako. Ayoko naman gumamit ng "headband" dahil masyado itong pambabae at lalo naman ayaw kong gumamit ng "hairclip" dahil masyado itong malandi kaya dumating ako sa konclusyon na tuluyan nang pabawasan sa isang barbero ang aking pinagkakatangi-tanging buhok.

Alam kong iniisip mo na "ano nga ba ang pakielam ko sa buhok mo?". Ang tanging masasabi ko lang ay "hindi ko rin alam". Basta ang tanging dahilan na pagsusulat ko ng tungkol doon dito ay dahil gusto kong ipamahagi ang aking dinanas ngayong araw na ito.

Kanina, nang ako'y umuwi na galing sa "Reyes Haircutters", naisipan kong dumaan sa bahay ng akin lola sa "side" ng aking ama. Pagdating ko dun ay nakita ko kaagad ang aking lola na naglalaro ng bidyo (video karera : isang sugal kung saan ay tumataya ka ng tig-pipiso sa isang makina upang masabi mo kung anong pares ng numero ang mananalo. Ang numerong mananalo ay magkakaroon ng premyo na depende kung ano ang katumbas ng halaga nito, bawat laro ay iba iba ang katumbas na premyo ng isang kombinasyon). Nagbatian kami at pagkatapos noon ay hinanap ko sa kanya ang aking lola sa tuhod (note: lahat ng lolo ko sa side na ito ay tigok na). Nakita ako ng aking tiyahin at umakyat ako sa bahay nila. Nakita ko ang aking pinsan na aking ding inaanak sa binyag. Siya ay anim na buwan na. Carl ang pangalan at halos kamukhang kamukha ko nung ako'y sanggol pa lamang katulad niya. Pareho kaming malusog, maputi at masiyahin. Sa hindi ko malaman na dahilan, madaling napalapit sakin ang bata wari ba'y matagal na niya akong kilala at natuwa naman ako dun dahil ako ay mahilig makipaglaro sa mga bata at sanggol at lubhang ikinasisiya ko kapag napapatawa ko sila. May isa nga lang kaming problema dun sa bata. Ayaw niya kaninang sumuso sa kanyang ina sa hindi namin alam na kadahilanan kaya napagpasyahan namin na ipagbilin muna ang bata sa isa ko pang tiya at bumili muna ng gatas sa "Mercury Drug". Ang binili namin ay Bonamil pagka't ito ay angkop para sa edad ng aking pinsan. Pagbalik namin ay tulog na ang sanggol at idiniretso na namin siya sa duyan upang tuluyan nang makatulog ng mahimbing. Sa kalagitnaan ng aming usapan, ako ay nagulat nang biglang kumilos at nagising ang bata, tumayo ako at nilapitan siya sa pagaakalang siya ay iiyak. Ngunit hindi siya umiyak kaya nagpagpasyahan namin na padedehin na siya nung binili naming gatas.

Biglang tumunog ang aking telepono at ito ay ang aking nanay. Isa lang ang ibig sabihin nun. Ako ay dapat nang umuwi. Kaya, ako'y nagpaalam na sa lahat at nilisan ang isang lugar na minsan ko ring tinirhan.
♡ I'll remember you { Biyernes, Abril 20, 2007 }

4.19.2007
Today.
Magandang araw mga kaibigan! Haha. Ang weird no?! Kada post ko iba ibang language ang gamit. Well, ngayon, taglish naman! Wala lang. La ako magawa eh. ^_^

Ngayon, wala naman ako masyadong pinag-gagawa. Nasa harapan lang ng computer at nagdownload ng mga songs sa LimeWire.

Nakakatamad mag-post! OMG.

Haha.

Well. Next time na nga lang.

BTW. ENRICO MIGUEL TIU IS SO HOT!
♡ I'll remember you { Huwebes, Abril 19, 2007 }

4.18.2007
Hello.
Wow. For a very long time that I haven't logged on this blogger account, the thought came into my mind that this blog is useless if I don't put some posts in it. Imagine, for a whole month of not having anything new. I mean, if this blog could only talk, it would tell me to get the fuck in front of my computer and put in some posts for heaven's sake. ^_^

Now, here it goes!

VACATION UPDATE:

Last Holy Week, we went to Puerto Galera, Occidental Mindoro. T'was a cool nice place and it has a lot of people hanging around. I even get to see EJ of Gliche or Kumpas there in the neighbor resort in the reggae event there. I was shocked having seen him there.

Haha.

For the past few days, I had nothing else to do but eat, sleep, watch tv and use my fucking computer. Haha. CALL that boring or what!

^_^

Hay.

HAHA.

Tagalog naman.

Hehe. La na talaga akong magawa! TANGINA! Hayop!

Hay.

Till next time.
♡ I'll remember you { Miyerkules, Abril 18, 2007 }

about

Name : Daniel
Nick : same as above
Age : currently 17
D.O.B : may 22 1992
Horoscope: gemini
School: why the hell do you want to know? are you going to kidnap me or something?




archives

Disyembre 2005, Enero 2006, Pebrero 2006, Marso 2006, Abril 2006, Mayo 2006, Hunyo 2006, Hulyo 2006, Agosto 2006, Setyembre 2006, Oktubre 2006, Nobyembre 2006, Disyembre 2006, Enero 2007, Pebrero 2007, Marso 2007, Abril 2007, Mayo 2007, Hunyo 2007, Hulyo 2007, Agosto 2007, Nobyembre 2007, Disyembre 2007, Enero 2008, Pebrero 2008, Marso 2008, Mayo 2008, Agosto 2008, Setyembre 2008, Oktubre 2008, Nobyembre 2008, Disyembre 2008, Enero 2009, Pebrero 2009, Marso 2009, Abril 2009, Agosto 2009, Setyembre 2009, Oktubre 2009, Nobyembre 2009,

layout

Designer: inkSPLASH
Resources: 1 2 3