5.19.2007
100th Post
wow. Sa dalawang taon na nabubuhay itong blog na ito. Ngaun lang ako umabot ng ika-isangdaang post. Ngayon, ipinagsisigawan ko na sa buong blogosphere na isa na akong ganap na blogger. ^_^. La lang. Naisip ko lang.Wala naman masyadong nangyari ngayon bukod sa nanuod lang ako ng Rurouni Kenshin (aka. Samurai X) dahil mayroon akong DVDx nito. Buong series. From episode 1 to 95. Tapos bibili ako ng VCD ng movie 1 hanggang 3. It's nice reminiscing about the first anime I actually liked. Nakakatawa lang kasi, pag nakita ko na yung unang scene ng episode, alam ko na kaagad yung storya. WAHAH. ADIK MODE!
Wala lang.
Nga pala. Sa monday na yung operation ng friend ko na may Brain Cancer so please... I need your prayers.
Malapit narin pala ang pasukan, pati narin ang bertdey ko. HAHA.
I'm turning fifteen this tuesday. Tatanda na naman ako pero hindi ako tumatangkad. TAE.
Mayroon ako ngayong katabi na katol dahil masyado nang malamok sa kwarto ko at bwisit na bwisit na ako. Tadtad na ng kagat ang aking magandang binti. WAH.
SA WAKAS. WALA NA AKONG MASABI.
haha.
Abangan na lamang ang susunod na kabanata ng aking buhay. ^_^
♡ I'll remember you { Sabado, Mayo 19, 2007 }