5.13.2007
KAHAPON:Saturday, May 12 2007.
Nagising ako dahil sa init ng araw na nakatirik sa aking bintana at diretso sa aking pagmumukha. Kumain ako ng agahan at nanood ng tv. Maya maya ay naisipan kong pumunta sa sala at dun nalang manood dahil napakainit nga sa kwarto. Ang bentilador sa sala ay malamig ang ibinubuga at ipinamamahaging hangin kaya mas comportable ako dun. Mga bandang alas dos ng hapon, ang langit ay nagdilim at nagbabadyang uulan, kaya nama'y ako'y natuwa. Kasalukuyan kong kausap si Kenneth Fernandez nuon sa telepono at kagaya ng dati, walang kwenta ang pinaguusapan namin. Mga bandang alas tres, siya ay nagpaalam na maliligo na siya dahil siya ay pupunta sa Loyola upang magpunta sa burol ng kanyang lola na namatay nung alas tres ng madaling araw dahil sa cancer. (too much information). Kaya wala na akong makausap, tinawagan ko si Jeszel Marie Sigua or Bea. Nanunood siya ng Flame of Recca dahil may dvd siya nun. Nagpaalam narin siya dahil kailangan niyang i-"charge" yung walang kurdon niyang telepono. (puta pakalalim naman nito! di ko na kaya!). Kaya napag-isip isip ko nalang na matulog sa sofa habang nakikinig sa mga kanta sa aking "MP3 plAyah!". Wala na naman masyadong nangyari pagkatapos nun.
NGAYON:
Sunday, May 13 2007 MOTHERS DAY.
Ngayon ay araw ng mga ina sa buong mundo. Well, ewan ko lang pero alam ko sa Pilipinas oo. Wala pa namang nangyayari ngayon. Ang tangin reklamo ko lang ay amoy ZONROX ang bahay. Ang sakit sa ilong. PUTANGINA! haha.
Magpopost ulit ako mamayang gabi sa mga mangyayari ngayong araw na ito! ^_^
haha.
♡ I'll remember you { Linggo, Mayo 13, 2007 }