6.26.2007
Inaantok lang naman ako.
Anu ba yan! Andaming homework.
Yan siguro ang reklamo ng halos lahat ng estudyante!
Mabait naman pala si Ms. Dominguez.
Bitchy lang talaga siyang magsalita at maarte lang talaga siya pero the whole package, bearable na xa. Hehe. Naiirita lang siguro ako dun sa buntot ng buhok niya. Ang sarap hilain! haha. Wet look pa kasi eh. Medyo uneven pa yung itsura kaya sarap hatakin. Pagnagkaron ako ng pagkakataon pipicturan yun para sa inyo.
Kahapon ang saya saya. Nagpunta kami sa The Arena sa may San Juan. Sumabay ako dun sa car nina Mutya Camba na nakakatuwa kasi yung kurtina ay gumagalaw. Woohoo. Hi-tech. Nakakatawa pa nun ay kung sino sino ang kinakawayan namin, tulad na lamang nung nasa Junction kami. May kinawayan si Bea. GRABE! hahaha. Natakot ata. EWAN.
Tapos mukhang gago si Anzel Valderrama kasi daw masakit daw yung tiyan niya tapos may Liver Cancer na daw siya kasi naninilaw na siya, PUTA ANG GULO NOH?
Well anyways, ang aga naming dumating dun sa venue dahil 1st quarter palang nung game ng University of Perpetual Help Dalta System at San Sebastian College - Recoletos. Ang galing ni Buenafe, medyo nagduda tuloy ako kung maari ngang mag-champion ang RED CUBS this season.
Nung nagstart na yung game ng RED CUBS, napansin agad namin ni Bea yung kamukha ni Luis Pujante na player ng JRU, BJ Cipriano at name niya. Di ako sure eh pero super crush namin siya ni Bea. Hahah. Ayun, laro laro laro. Nanalo naman kami in the end. Kinabahan pa nga ako kasi humahabol pa yung JRU pero ayos narin.
Nung pauwi na, hindi na ako sumabay kina Mutya. Kasabay ko sina Charm, Daday, Larissa, Katz at Myka. Nagjeep kami papuntang Robinson's Galleria at tuluyan nang naghiwalay. Haha.
Dumating ako dito sa bahay ng mag 7:30, ayos na rin. Nanuod ako ng DVD ng Ang Cute ng Ina Mo tapos natulog nang hindi man lang gumawa ng isang assignment. PETIX! Hahah.
Hirap maging cute. ^_^
♡ I'll remember you { Martes, Hunyo 26, 2007 }