3.15.2008
Mga kwento sa isang silid sa loob ng Colegio De San Beda
Usok, antok, gutom. Yan ang mga bagay na araw-araw kong nararanasan at tinitiis. Oo, tinitiis. Bakit kamo? Kasi pagdating ko na sa eskwelahan, pagkapasok ko sa isang silid-aralang minsa’y malamig at minsan nama’y mainit, doon, nawawala lahat ng ito.

Ano bang meron sa silid na yun at napapawi lahat ng ito? Heto’t alamin ninyo.

Nagsimula ang lahat, sampung buwan na ang nakakaraan. Hunyo nun, taon ng dalawanglibo’t pito. Alas-sais y medya ng umaga, pumasok ako sa silid na yun. Nakita ko ang iba’t-ibang mukha, narinig ko ang iba’t ibang tinig. Nung una, nagduda pa ako kung magugustuhan ko ang klaseng ito. Magiging masaya ba ako? Sana naman oo.

Ang pinakaunang guro na pumasok sa silid-aralan na ito ay si Ginoong Benjamin Sonajo. Siya ang aming “class adviser”. Natuwa ako sa pangyayaring yun, dahil siya ang isang sa mga guro na nais kong maging parte ng hayskul layf ko. Lumipas ang mga oras, tawanan, biruan, lahat nakangiti. Yan ang buhay sa silid-aralan na yon.

Pero, akala ko masaya ang lahat, akala ko lahat walang problema. Meron pala.

Nang dumating ang retreat namin, doon ko nakilala ang iba sa aking mga kaklase (yung iba kasi parang hindi sineryoso ang mga sharing sessions namin). Ang pinakaunang aktibiti ay ang pamamahagi ng aming “deepest cry“ o kumbaga ang aming mga hinaing. Hinaing sa pamilya, kaibigan, at marami pang iba. Dito, nakita ko ang iba’t ibang mukha ng kalungkutan. Lahat pala may problema. Lahat pala, hindi laging masaya.

Sunod-sunod kaming nagsalita nun, simula sa mga tao sa harapan, hanggang sa tao sa pinakalikod ng “conference hall” sa Angels’ Hills Retreat house sa Tagaytay. May mga umiyak, meron naman hindi. Malamang, kasama ako sa mga umiyak. Pagkatapos nun, pumasok na kami sa aming mga tulugan, nag-ayos ng gamit, naglinis ng katawan, konting kulitan, pagkatpos ay natulog na.

Pag-gising kinabukasan, naligo ang karamihan, pagkatapos ay derecho na sa hapag-kainan. Doon, nagkaron na naman kami ng pagkakataon upang makipaghalubilo sa mga tao sa ibang kwarto. Kwentuhan, tawanan, walang hanggang saya.

Madami pang mga sumunod na gawain na hindi ko na masyadong maalala, gusto ko pa sanang ilahad sa inyo ang mga pangyayari, ngunit hindi ko na talaga maalala.

Nagtapos ang pangalawang gabi sa pagbibigayan ng mga “friendship bands“ at ang pagaalay ng kandila na sumisimbolo sa pagkakalinga sa mga taong inalayan. Ang tanging taong nagbigay sakin ng “friendship band“ ay si Dadii Angelo at ang sa tingin kong best friend ko na si Paolo. Pagkatapos nun ay kumanta kami ng Salamat ni Yeng Constantino. Medyo hindi ko gusto yung kanta, ngunit maganda naman ang mensahe nito. Tugmang-tugma sa kung ano ang gusto namin sabihin sa isa’t isa.

“Ang awiting ito, para sayo, at kung maubos luha di magsisisi, dahil iyong narinig mula sa labi ko.. SALAMAT, SALAMAT.”

Pagkatapos ng gabing yun, lalo kong naramdaman na may nagmamahal sa akin. Lalo kong naramdaman na mahal ako ng seksyon ko at mahal ko din sila.

Marami pang nangyari pagkatapos ng huling gawain na yun. Nang pumasok na kami sa aming mga silid, nagkwentuhan pa kami ng nakakatakot at may narinig pa nga ako sa aking tenga na may bumulong ngunit wala namang tao. Nakakatakot diba? Haha. :D

Ngunit ang pinaka hindi ko makakalimutan sa seksyon na to ay:

Nagsimula yun ng hapon, may pinaghahandaan ang lahat. Lahat gustong manalo, lahat gustong makamit ang titulong “KAMPEYON”.

Naghahanda kami nun para sa isang kontest na kalahok ang lahat ng seksyon sa buong hayskul. Mula ikalawang taon hanggang ikaapat. Lahat ng seksyon ay may mga batang tuturuan at pansamantalang aalagan. Ang napunta sa seksyong naming ay mga bata mula sa seksyon 1-13 at 1-12.

Gumagawa kami ng presentasyon tungkol sa Alamat ng Mangga.

Ang mga kasama ko noon ay sina Bea, Theodore, Paolo, Bien, Apple, Aimee, Maika atbp. upang mapaganda lamang ang presentasyon. Gabi na kami umuuwi nun. Pero sulit naman lahat. Dahil kami ang nanalo. Kami!

Ang sumunod na pangyayari na hinding hindi ko makakalimutan ay ang paghahanda namin sa isang inter-section na paligsahan. Ang malikhaing pagkukwento ng “bakit ang kuhol ay umaakyat sa puno“.

Yan ang contest na hindi naman ako dapat kasali ngunit napasali ako dahil ang isang dapat kasali sa seksyon naming ay hindi dumadalo sa aming mga praktis.
Nanalo din kami dito. Ikalawang premyo nga lang dahil kulang kami sa props. Hindi namin napaghandaan masyado. Kaya ayun.

Marami pang nangyari sa seksyon namin pagkatapos nun. Nariyan ang madalas na pagkagalit ng aming chemistry titser dahil maingay kami, nagalit din ang aming english titser dahil sa parehong rason. Pero ayos lang yun. At least masaya kami. Diba?

Pero siguro, ang pinakamatinding galit na nakita ko ay ang nadismaya sa amin si G. Sonajo tungkol dun sa mga tarpaulin na ipapagawa sana para sa TLE day.

Ang gustong mangyari ni ser, lahat kami gagawa na at magpapaprint na. Hindi lahat ginawa ito. Hindi lahat sumunod sa utos niya.

Kalahati lamang ng klase ang nagpagawa. Kalahati hindi. Kasali ako sa mga hindi nagpagawa. Bakit? Hindi ko rin alam.

Nagalit siya, sumama ang loob niya. Hindi ko maipinta ang reaksyong sa kanyang mukha. Natakot ako. Takot na takot.

Akala ko pa nun ay sasabunin na kami. Akala ko noon pagbabayarin kami ng malaking fine. Ngunit hindi, pinili na lang niya na lumabas ng kuwarto, siguro dahils sa kanyang pagkakadismaya.

Pagkatapos naman nun ay ok na ulit kami. Nagbibiruan na sa klase. Masayang nagtatawanan. Parang nakalimutan na ang lahat. Pero alam ko, sa kaloob-looban ni Ser Sonajo, nagtatampo parin siya.

Ang alam ko ay dapat kwento ang ilalahad dito sa proyektong ito. Ngunit mas pinili ko na lamang na gumawa ng sanaysay tungkol sa pinakamamahal ko mga tao. Ang mga taong naging parte na ng buhay ko. Ang mga taong bumubuo sa pagkatao ko.

Ito ang seksyon na hinding-hindi mawawala sa puso ko. Ang mga taong hindi mabubura sa isip ko.

Ngayong magtatapos na ang taon, napapag-isip isip ko na “SYET. Pano na to? Maghihiwa-hiwalay na kami. Pano na kaya to? Makakaya ko ba na mawalay sa mga taong mahal na mahal ko? Sa mga kaibigang napalapit na sa puso ko? Sa mga nilalang na bumubuo, nagpapasaya at umuukit ng araw araw na buhay ko?”

Pero ganyan talaga. Hindi pwedeng pang-habang buhay ang lahat. Sabi nga sakin ni Kenneth kagabi. “All good thing must come to an end“. Tama nga naman siya. Lahat ng bagay, may katapusan. Lahat ng bagay may hangganan. Hindi pa naman dito nagtatapos ang buhay namin eh. Marami pang mangyayari.

Dapat nalang namin siguro isipin, na kahit hindi na kami magkakaklase, hindi parin mawawala ang kadenang nakatali na sa mga puso namin. Ang paguugnay na hindi na maaalis ng kahit anong pang pangyayari. Ang ugnayan ng magkakaibigan, ugnayan ng pagmamahal.

Ito ang seksyon na hinding hindi mawawala sa puso’t isip ko. Ang seksyon na bumuo ng aking pagkatao.

ANG 3-33 ST. BERLINDA.
♡ I'll remember you { Sabado, Marso 15, 2008 }

about

Name : Daniel
Nick : same as above
Age : currently 17
D.O.B : may 22 1992
Horoscope: gemini
School: why the hell do you want to know? are you going to kidnap me or something?




archives

Disyembre 2005, Enero 2006, Pebrero 2006, Marso 2006, Abril 2006, Mayo 2006, Hunyo 2006, Hulyo 2006, Agosto 2006, Setyembre 2006, Oktubre 2006, Nobyembre 2006, Disyembre 2006, Enero 2007, Pebrero 2007, Marso 2007, Abril 2007, Mayo 2007, Hunyo 2007, Hulyo 2007, Agosto 2007, Nobyembre 2007, Disyembre 2007, Enero 2008, Pebrero 2008, Marso 2008, Mayo 2008, Agosto 2008, Setyembre 2008, Oktubre 2008, Nobyembre 2008, Disyembre 2008, Enero 2009, Pebrero 2009, Marso 2009, Abril 2009, Agosto 2009, Setyembre 2009, Oktubre 2009, Nobyembre 2009,

layout

Designer: inkSPLASH
Resources: 1 2 3