3.31.2008
WEEE.
Summer na nga. OO.Madami na ngang nangyari kahit umpisa palang ng summer. Biruin mo yun? May problema nga ako ngayon eh. Haha.
Kaninang hapon, habang nanonood ako ng Ranma 1/2 DVD, tumawag yung tauhan sa Video City saying na kaylangan daw isoli ko na yung VCD na hiniram ko nung exam week. Super nawala na sa isip ko yun. :))
Biruin mo yun, yung fine para dun sa overdue na VCD ay 260 each. Eh dalawa yun! :)) edi 520 yung babayaran ko! Nakakabaliw. Ngayon hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para mabayaran yung fine na un! Dapat masoli ko na bukas!! :))
So tinry ko umutang kay Bea muna babayaran ko sa kuhanan ng card.
AYUN. Sana nga may magpautang sakin bukas.
So ayun na nga. Next problem ay mukhang matatagalan pa ako makakuha ng pera para sa enrollment ko for summer review. (puro financial ang problema ko eh noh? haha.)
Well, bukod sa problema ko sa pera. Basically. I'M PERFECTLY FINE!!! :))
Pero still, I'm really bored. Haha. Wala na ngang pasok. WALA PANG PERA!! :))
Other than that I'm doing great.
♡ I'll remember you { Lunes, Marso 31, 2008 }