3.15.2008
Year-end post. (School year, that is..)
Natapos na ang taon. Tapos na.Nakakalungkot isipin matagal na panahon na naman kaming hindi magkikita. Dalawang buwan na paghihiwalay pagkatapos ng sampung buwan na pagkakasama. Hindi madaling magsabi ng paalam sa mga kaibigan. Oo, alam kong magkikita pa kami next year pero hindi na kami ang 3-33 na magkakasama dati. Malamang, hiwa-hiwalay na kami ng pangkat. May mapupunta sa pre-law, pre-engineering, pre-med at pre-business.
Sampung buwan din kaming nagkasama. Sampung buwan ng kulitan, asaran, tawanan, na kung minsan ay meron din namang iyakan.
Eto ang sampung buwan na hinding-hindi mawawala sa puso't isipan ko. Hinding-hindi mawawala sa aking pagkatao.
Sa sampung buwan na yun, marami ring nangyari, merong mga nag-away, nagkapalitan ng bestfriend, nagkatampuhan, nagkasakitan, at marami pang iba. Dumating pa nga yung punto na sa sobrang pagkakasakitan nagalit na ang adviser namin eh.
Sa sampung buwan na yun, nakasama din namin ang isa sa pinakamatinding nilalang sa buhay namin. Matindi hindi dahil sa malupit siya, matindi dahil siya ang da best na guro na nakilala ko sa buong buhay ko. (well, kalevel niya si miss nette). Ginabayan niya kami at hinding-hindi kinalimutan at pinabayaan sa kung ano mang pagkakataon. Lagi siyang andiyan para tumulong, para magbigay ng suporta.
Talagang hindi ko makakalimutan ang klase na ito kasi dito lang ako nagkaroon talaga ng barkada. Sina Maika, Bea, Paolo, Aimee, Jc at Apple. Yan ang mga taong bumubuo, nagpapasaya at nagbibigay ng halaga sa araw ko. Sila ang dahilan kung bakit pinipilit kong pumasok araw araw kahit na mahirap at nakakapagod.
Ang isa pang taong hindi ko makakalimutan sa klaseng eto ay si Angelo Antonio. Bagama't hindi naman kami ganun ka close, napalapit ako sa kanya. Hindi ako sumasama sa barkada niya dahil awkward ako sa kanila pero pag siya lang ang kasama, masaya naman. Haha. Siya rin ang kauna-unahang lalakeng siguro matuturing ko na best friend ko. Siya ang best friend ko para sakin, ewan ko lang sa kanya. Basta yun ang turing ko sa kanya. Haha.
Isa pa sa taong hindi ko makakalimutan ay si Werty, nabasa niyo naman siguro dati yung post ko tungkol sa pagaaway namin dahil binansagan niya akong "BACKSTABBER" sa hindi ko malamang dahilan. Pero tapos na yun. Minahal ko kasi tong lalaking to na hindi ko rin alam kung bakit. Super minahal ko siya. AS IN SUPER.
ETO LANG ANG TANGING MASASABI KO.
Bagama't magkakahiwa-hiwalay tayo ng section next school year. Sana lagi niyong tatandaan na minsan sa buhay natin naging adviser natin ang isang walang katulad na TROSO at naging parte tayo ng pamilyang hindi nagiiwanan. MAGKAKASAMA SA HIRAP AT GINHAWA. Tayo ang simbolo ng punong hindi napuputol ano mang sakuna ang dumaan.
Yan ang 3-33 St. Berlinda.
HABANG BUHAY KAYONG NASA PUSO KO. HINDING-HINDI MABUBURA SA ISIPAN KO.
MAHAL NA MAHAL KO KAYO.
♡ I'll remember you { Sabado, Marso 15, 2008 }