8.30.2008
Nakakalungkot.
Nakakalungkot balikan ang mga alaala nung nakaraang taon. Sobrang namimiss ko na sila. Lalo na ang Tropang Sageng at si Angelo. Hay. Ibang-iba talaga ang 33 eh, kahit na ba medyo nagiging close narin naman ang 43 pero mas iba parin yung pakiramdam ko pag 33 ang kasama ko. No offense sa 43 ah, mahal ko rin naman kayo pero sadyang mas malapit parin sa puso ko ang 33. Siguro let's just give it some time and mapapalapit din kayo sa puso ko.Nalulungkot din ako dahil sabi nung isang friend ko na super malapit sa puso ko eh after ng graduation baka umalis na siya papunta somewhere. Mahal na mahal ko tong taong to and hindi ko kayang hindi siya makasama. Kahit na hindi na kami magka-klase ngayon eh talagang malapit parin siya sa puso ko.
Sana bago dumating yung araw aalis na siya magkaron kami ng isang araw na kaming dalawa lang ang magkasama. Masaya na ako dun.
Hay buhay nga naman.
Ay. Nabadtrip ako ngayon ngayon lang kasi ng poprofile-surfing ako sa friendster at nakita ko tong picture na toh.
Yung guy na nasa pinaka-kanan eh yung first boyfriend ko. Mark Anthony Serrano po ang pangalan. Hay tae. A photo of him brings back a whole fucking lot of memories. Nakakalungkot at the same time nakakabadtrip din.
Hay.
Itutulog ko na nga lang toh.
Goodbye to you. Mwah. till next time.
You know you love me.
xoxo
-Gossip Gay
♡ I'll remember you { Sabado, Agosto 30, 2008 }
Nakakalungkot.
Nakakalungkot balikan ang mga alaala nung nakaraang taon. Sobrang namimiss ko na sila. Lalo na ang Tropang Sageng at si Angelo. Hay. Ibang-iba talaga ang 33 eh, kahit na ba medyo nagiging close narin naman ang 43 pero mas iba parin yung pakiramdam ko pag 33 ang kasama ko. No offense sa 43 ah, mahal ko rin naman kayo pero sadyang mas malapit parin sa puso ko ang 33. Siguro let's just give it some time and mapapalapit din kayo sa puso ko.Nalulungkot din ako dahil sabi nung isang friend ko na super malapit sa puso ko eh after ng graduation baka umalis na siya papunta somewhere. Mahal na mahal ko tong taong to and hindi ko kayang hindi siya makasama. Kahit na hindi na kami magka-klase ngayon eh talagang malapit parin siya sa puso ko.
Sana bago dumating yung araw aalis na siya magkaron kami ng isang araw na kaming dalawa lang ang magkasama. Masaya na ako dun.
Hay buhay nga naman.
Ay. Nabadtrip ako ngayon ngayon lang kasi ng poprofile-surfing ako sa friendster at nakita ko tong picture na toh.
Yung guy na nasa pinaka-kanan eh yung first boyfriend ko. Mark Anthony Serrano po ang pangalan. Hay tae. A photo of him brings back a whole fucking lot of memories. Nakakalungkot at the same time nakakabadtrip din.
Hay.
Itutulog ko na nga lang toh.
Goodbye to you. Mwah. till next time.
You know you love me.
xoxo
-Gossip Gay
♡ I'll remember you { Sabado, Agosto 30, 2008 }
8.29.2008
IT'S OVER
I has finally ended. Yes.The PAASCU fever is over. Nakakainis lang kasi kanina meron kaming short program para dun sa PAASCU people and parang hindi man lang sila nagpapakita ng kahit anong bakas ng excitement whatsoever kaya parang pag ako yung nagsasayaw eh mawawalan ako ng ganang sumayaw eh. Buti nalang hindi ako kasali dun sa sasayaw kasi magwowalk out ako dun. Haha. Kapal ng mukha amf.
So ayun, for the 2 days na bumisita ang PAASCU accredittors eh isang beses lang naobserve yung class namin, and sa Theology class pa yun so parang hindi kami masyadong nagpaparticipate sana sa Filipino nalang or English. Ahaha. Dun kasing madaling magrecite eh. Medyo bored kasi ako pag Theology time. Uhh.
♡ I'll remember you { Biyernes, Agosto 29, 2008 }
8.24.2008
Elevator.
May Performance Task kami sa Physics na dapat imeasure namin ang weight namin while going up and going down an elevator. This has to be repeated three times. Tapos ang minimun na floors para magawa namin yung task eh 10 floors so pahirapan agad sa paghahanap ng building na pwdeng magpapasok samin at paglaruan ang elevator nila.Buti nalang yung nanay ni xavier eh nagtatrabaho dun sa tektite building sa ortigas at napayagan kami na gumawa dun. Nagkita kami nina Pan, Mikko at Xavier sa Megamall at kumain sa Sbarro kaya medyo nalagas ang pera ako. All in all nagastos ko sa pagkain eh 250 para sakin lang. 151 sa Sbarro at 99 sa kung saan pa. Buti nalang may 200 pa akong natira.
Dumirecho na kami sa Tektite Towers at nilakad lang namin. Puchak napakalayo amf. :)) Sabi ko nga hindi naman ako nagtitipid para maglakad dun eh. Tangina. Andami-daming FX dun.
Sa wakas nakarating din kami dun sa building. Only to find out na walang aircon yung elevators dun. Kaya basang-basa na kami sa pawis paglabas namin dun.
After nung elevator thing namin sa Tektite, bumalik kami sa Megamall at si Mikko naman ay umuwi na.
Naglibot-libot kami dun at dapat manunuod kami ng sine. Bago pa kami nakapunta sa sinehan ay nagpunta muna kami sa Cyberzone at inisa-isa ang laptops stores dun at parang tour guide si Pan dahil sa walang tigil niyang pagdakdak tungkol sa mga laptop at proving to us na mas maganda ang Mac. After nun naghanap naman ng photo exhibit si Pan pero imbes na photo exhibit ang puntahan namin napunta kami sa Agricultural and Fisheries convention at doon ay napabili kami ng tagiisang basong Lemongrass juice. After nun at derecho banyo dahil nakakapagpaihi daw yung lecheng juice na yun. After nun dapat manunuod na kami ng sine pero pagtingin namin sa sched eh nagstart na lahat. Yung next showing ay 5:40 pa. Kaya naisipan namin ni Pan na umuwi na kahit ayaw pa ni Xavier.
At umuwi narin kami. haha.
♡ I'll remember you { Linggo, Agosto 24, 2008 }
8.20.2008
Iyak.
Kaninang umaga, muntik na akong ma-late dahil anong oras na ako nagising at nakaalis ng bahay. Pano ba naman eh bumabagyo na kaninang umaga palang, nagdadalawang isip nga ako kung papasok ako o hindi eh. Putangnia, kumikidlat at kumukulog amf.Ayon. Dumating ako mga 3 minutes bago magtime tapos wala pa akong ID kasi nga kinuha ni Ms. Evora. Hindi ko alam kung kelan ko ulit makukuha yun. Tinanong ko si Ms. Adriano sabi niya si Mr. Baguinon daw ang bahala dun. Ewan ko. Wala naman kasing kaso yun eh. Icoconference daw kaming dalawa ni Bea. Ewan ko kung ano yung mga sasabihin samin dun. Goodluck nalang. Pampam naman kasi. OA siya ah. Para may bading lang sa loob ng CR nila eh sobra kung magreact. Akala daw niya boys' restroom yung napasukan niya. Basta ang alam ko, wala akong ginagawang masama sa loob. AS IN WALA. I was just sitting on the corner of the sink.
Hanggang kelan kaya ako papasok ng walang ID. Mahirap kasing paniwalain yung mga marshall na nasa teacher nga yung ID ko. Baka mademerit pa ako dahil incomplete uniform ako.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kaninang Economics class, binigay ni Sir Sigua yung mga Class Standing namin pati yung Exam Results.
Inannounce niya lahat tapos sabi niyadun sa Exam ko 27 lang daw ako. Tapos pinagpipilitan niya pa na totoo yun. Super umiyak na talaga ako. First time in my life na mangyayari yun. Kasi napakaimposible naman kasi, ever since, kahit hindi ko nagrereview hindi ako nakakakuha ng ganong score. Tae siya.
Tapos pinakita niya sakin yung paper yun pala 72 ako. Super napalo ko tuloy siya. Haha. Buti nalang birthday niya ngaun kaya okay lang. Super ngumalngal ako nun kasi yung Class Standing ko 76. Eh ano pang magiging card grade ko nun kung 27 nga talaga ako diba?? 69?? Saklap diba.
Well anyways. Half day lang kami kanina kasi nga daw malakas na daw masyado yung ulan. Pero mga 2pm na ako umalis ng school kasi tinapos namin yung poster para sa buwan ng wika. Maganda sya sobra. Galing ni Jaydee eh.
After kong umalis ng school, nagpunta ako ng Cubao at sumakay ng MRT. DUMIRECHO ME NG THE BLOCK!! Haha.
Nakakatamad naman kasing umuwi kaagad eh. Tambay tambay muna ako dun at binilhan ko yung nanay ko nung famous bowl sa KFC. Gusto niya eh. Haha. Nagpapabili talaga siya. Dun narin ako kumain.
Wala na masyadong nangyari after nun kaya umuwi na ako.
Bye for now.
XOXO - gossip gay.
WTF tlalaga.
♡ I'll remember you { Miyerkules, Agosto 20, 2008 }
8.19.2008
Batang-bata ka pa.
SADYANG BORING TONG GABING TOH.Hindi ko alam kung bakit ako nagsasayang ng oras upang tumingin sa mga sosyalero't sosyalerang mga juniors na nagpupunta kung saan-saan at nagpopost pa ng pictures na umiinom sila. Hindi ba nila alam na hindi magandang tingnan? At ang isa dun ay pinangangalandakan pa niya na 14 lang siya dun sa homepage niya. Napakaganda.
Talo pa nila kaming mga fourth year. Ni hindi nga kami umiinom eh. OH WELL. Para namang mababago ko sila sa mga pinagsasabi ko. SANA LANG MAY MANGYARI SA KANILA NA MAKAKAPAGPAKITA SA KANILA NA MALI ANG GINAGAWA NILA.
Kung ako nga hindi pa nakakatapak ng EASTWOOD, MOA, at kung saan saan pang mga lugar na pinagpuputahan nila. Sa Serendra oo naman. Lagi din akong andun eh. Pero hindi para uminom at makipaglandian kung kani-kanino.
I just hate the fact that people as young as them are doing those thing. Don't they need to study first or something?? (wow. look who's talking, but you do get the point right?)
Well anyways, my day was ruined by a grade school teacher named Ms. Evora. She took my ID and told me that she was going to tattle me to Father Aloy for the reason that she found me inside the girl' s restroom without me doing anything wrong. I was just sitting on top of the sink waiting for Bea to finish dressing up. You can ask the janitress if we did something wrong. Buti nalang wala kaso yun. Thanks sir Sonajo.
Malayo layo narin ang naabot namin dun sa piece namin para sa Sabayang-Bigkas Kontest sa UA&P. Pero we still have a long way to go. Sana matapos namin and hopefully makapasok kami sa finals.
That's all for the day and tignan natin kung kelan ulit ako makakapagpost dito.
XOXO - gossip gay. :))
WTF
♡ I'll remember you { Martes, Agosto 19, 2008 }
8.11.2008
Boring.
TLE period namin ngayon at free period kami. Napakaboring at wala akong magawa amf.
Ay oo nga pala, bago ko makalimutan baka gusto mong pumunta sa website ko na parasa TLE. :)) eto at eto. Super napakawalang kwenta kaya niyan. :))
Goodluck nalang sa scores ko sa exam namin. haha.
THANKS FOR INCLUDING ME IN YOU POST BEA. :))
♡ I'll remember you { Lunes, Agosto 11, 2008 }