8.24.2008
Elevator.
May Performance Task kami sa Physics na dapat imeasure namin ang weight namin while going up and going down an elevator. This has to be repeated three times. Tapos ang minimun na floors para magawa namin yung task eh 10 floors so pahirapan agad sa paghahanap ng building na pwdeng magpapasok samin at paglaruan ang elevator nila.Buti nalang yung nanay ni xavier eh nagtatrabaho dun sa tektite building sa ortigas at napayagan kami na gumawa dun. Nagkita kami nina Pan, Mikko at Xavier sa Megamall at kumain sa Sbarro kaya medyo nalagas ang pera ako. All in all nagastos ko sa pagkain eh 250 para sakin lang. 151 sa Sbarro at 99 sa kung saan pa. Buti nalang may 200 pa akong natira.
Dumirecho na kami sa Tektite Towers at nilakad lang namin. Puchak napakalayo amf. :)) Sabi ko nga hindi naman ako nagtitipid para maglakad dun eh. Tangina. Andami-daming FX dun.
Sa wakas nakarating din kami dun sa building. Only to find out na walang aircon yung elevators dun. Kaya basang-basa na kami sa pawis paglabas namin dun.
After nung elevator thing namin sa Tektite, bumalik kami sa Megamall at si Mikko naman ay umuwi na.
Naglibot-libot kami dun at dapat manunuod kami ng sine. Bago pa kami nakapunta sa sinehan ay nagpunta muna kami sa Cyberzone at inisa-isa ang laptops stores dun at parang tour guide si Pan dahil sa walang tigil niyang pagdakdak tungkol sa mga laptop at proving to us na mas maganda ang Mac. After nun naghanap naman ng photo exhibit si Pan pero imbes na photo exhibit ang puntahan namin napunta kami sa Agricultural and Fisheries convention at doon ay napabili kami ng tagiisang basong Lemongrass juice. After nun at derecho banyo dahil nakakapagpaihi daw yung lecheng juice na yun. After nun dapat manunuod na kami ng sine pero pagtingin namin sa sched eh nagstart na lahat. Yung next showing ay 5:40 pa. Kaya naisipan namin ni Pan na umuwi na kahit ayaw pa ni Xavier.
At umuwi narin kami. haha.
♡ I'll remember you { Linggo, Agosto 24, 2008 }