8.20.2008
Iyak.
Kaninang umaga, muntik na akong ma-late dahil anong oras na ako nagising at nakaalis ng bahay. Pano ba naman eh bumabagyo na kaninang umaga palang, nagdadalawang isip nga ako kung papasok ako o hindi eh. Putangnia, kumikidlat at kumukulog amf.

Ayon. Dumating ako mga 3 minutes bago magtime tapos wala pa akong ID kasi nga kinuha ni Ms. Evora. Hindi ko alam kung kelan ko ulit makukuha yun. Tinanong ko si Ms. Adriano sabi niya si Mr. Baguinon daw ang bahala dun. Ewan ko. Wala naman kasing kaso yun eh. Icoconference daw kaming dalawa ni Bea. Ewan ko kung ano yung mga sasabihin samin dun. Goodluck nalang. Pampam naman kasi. OA siya ah. Para may bading lang sa loob ng CR nila eh sobra kung magreact. Akala daw niya boys' restroom yung napasukan niya. Basta ang alam ko, wala akong ginagawang masama sa loob. AS IN WALA. I was just sitting on the corner of the sink.

Hanggang kelan kaya ako papasok ng walang ID. Mahirap kasing paniwalain yung mga marshall na nasa teacher nga yung ID ko. Baka mademerit pa ako dahil incomplete uniform ako.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kaninang Economics class, binigay ni Sir Sigua yung mga Class Standing namin pati yung Exam Results.

Inannounce niya lahat tapos sabi niyadun sa Exam ko 27 lang daw ako. Tapos pinagpipilitan niya pa na totoo yun. Super umiyak na talaga ako. First time in my life na mangyayari yun. Kasi napakaimposible naman kasi, ever since, kahit hindi ko nagrereview hindi ako nakakakuha ng ganong score. Tae siya.

Tapos pinakita niya sakin yung paper yun pala 72 ako. Super napalo ko tuloy siya. Haha. Buti nalang birthday niya ngaun kaya okay lang. Super ngumalngal ako nun kasi yung Class Standing ko 76. Eh ano pang magiging card grade ko nun kung 27 nga talaga ako diba?? 69?? Saklap diba.

Well anyways. Half day lang kami kanina kasi nga daw malakas na daw masyado yung ulan. Pero mga 2pm na ako umalis ng school kasi tinapos namin yung poster para sa buwan ng wika. Maganda sya sobra. Galing ni Jaydee eh.

After kong umalis ng school, nagpunta ako ng Cubao at sumakay ng MRT. DUMIRECHO ME NG THE BLOCK!! Haha.

Nakakatamad naman kasing umuwi kaagad eh. Tambay tambay muna ako dun at binilhan ko yung nanay ko nung famous bowl sa KFC. Gusto niya eh. Haha. Nagpapabili talaga siya. Dun narin ako kumain.

Wala na masyadong nangyari after nun kaya umuwi na ako.

Bye for now.

XOXO - gossip gay.

WTF tlalaga.

♡ I'll remember you { Miyerkules, Agosto 20, 2008 }

about

Name : Daniel
Nick : same as above
Age : currently 17
D.O.B : may 22 1992
Horoscope: gemini
School: why the hell do you want to know? are you going to kidnap me or something?




archives

Disyembre 2005, Enero 2006, Pebrero 2006, Marso 2006, Abril 2006, Mayo 2006, Hunyo 2006, Hulyo 2006, Agosto 2006, Setyembre 2006, Oktubre 2006, Nobyembre 2006, Disyembre 2006, Enero 2007, Pebrero 2007, Marso 2007, Abril 2007, Mayo 2007, Hunyo 2007, Hulyo 2007, Agosto 2007, Nobyembre 2007, Disyembre 2007, Enero 2008, Pebrero 2008, Marso 2008, Mayo 2008, Agosto 2008, Setyembre 2008, Oktubre 2008, Nobyembre 2008, Disyembre 2008, Enero 2009, Pebrero 2009, Marso 2009, Abril 2009, Agosto 2009, Setyembre 2009, Oktubre 2009, Nobyembre 2009,

layout

Designer: inkSPLASH
Resources: 1 2 3