9.30.2008
Hindi parin.
Panalo ang Beda kahapon so may paosk kanina. Haha. Labo kaya. Matagal ko nang inaasam yang walang pasok na yan tapos nagkaron ng pasok.

Oh well, we can't blame Sir Bags naman eh. Hindi niya kasalanan kasi hindi ganon kataas ang posisyon niya para magdesisyon ng walang pasok sa taytay ng walang consent ni father rector.

Kahit na may pasok kanina, nakaparaming as in NAPAKARAMING lumiban sa klase. 12 ata yung absent namin sa class. Nakakagago.

Galit na galit si Ms. Bandala. :))

Saka read the blog of mikko para sa mga entertaining things na nangyari sa klase kanina. Lalo na kay Mr. "CENSORED".

Bagong motto: "do no beat around the bush, go directly in the middle of the bush!" :))
Tangina kasi ni Kent. :)) Libog.

-----------------

Me and Mr. Kaaway is still making away and Mr. Kaaway does not make pansin to me.

(away update)

-----------------

Wala naman masyadong nangyari kanina so wala akong nakwento.

------------------

Ay oo nga pala, kahapon after ng game nagpunta kami ni Katz sa Mendiola para maka-victory party. Nauwi sa onting inuman at wala namang nalasing. Kasama namin sina Kaycee at Daday at Bebang. Pati narin sina Nikki, Ralph, Jeff, Sud, Jian at Keweng.

Kumain sa KFC at tumambay sa gilid ng CEU.

Yun lang. Nakauwi ako ng 10:30 at inulan ng sermon mula sa nanay ko dahil di niya alam na nagpunta ako ng Mendiola at anong oras na akong dumating at may pasok pa kinabukasan.

YUN LANG. :D

♡ I'll remember you { Martes, Setyembre 30, 2008 }

9.26.2008
IIYAK NALANG BA TALAGA AKO??


Masaya na sana ako kanina habang nasa Araneta kahit talo San Beda kasi may magandang nangyari kanina habang naglalaban ang JRU at San Beda. Kinakausap na ako ni MR. ? na nandun sa last post ko. Nakangiti pa nga siya at nagjojoke pa tungkol sa JRU sa akin eh. Super napangiti na ako nun. Sabi ko, "Kahit ano pang maging result nitong game na toh, masaya ako.." Tapos sinasabi ko sa utak ko "after ng game, yayakapin ko to at sasabihin ko namiss ko siya" hoping na bati na nga kami kasi kinausap na niya ako. 

Ngunit, subalit, datapwa't nang hawakan ko ang braso niya at sinubukang kausapin siya ULIT after ng game, tinalikuran lang niya ako at hinatak ang braso niya ng dahan-dahan. Oo, aaminin ko na UMIIYAK AKO NGAYON dahil sa nangyaring yun. Puta, naguusap na tapos after ng game back to "THAT" situation again. Akala ko pa naman ayos na. Sayang talaga. It made my day na sana. SOBRANG SAYANG.

"Kung alam mo lang kaya ang tunay na nadarama, nanaiisin mo pang saktan ang puso ko??"
- ROXANNE BARCELO

DIDIRETSUHIN NA KITA MR. A#@#$@ A#@%^&%. Mahal na mahal kita kaya parang awa mo na, ibinababa ko na ang sarili ko sa DESPERADONG lebel para lang makipag ayos sayo sa hindi ko namang alam na kadahilanan. 

Mahal na mahal kita at alam mo yan. Wala namang malisya yun eh. KAIBIGAN kita at tine-treasure ko yung friendship na yun kasi yung friendship natin ay isa sa pinaka-kakaibang pagkakaibigang narasanan ko sa buhay ko. MAHALAGA KA DUDE. sana alam mo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.

Bakit pa kasi kailangang ngayon pa mangyari to. Hindi ko na kaya. 

FOREVER NALANG BA AKO IIYAK?


♡ I'll remember you { Biyernes, Setyembre 26, 2008 }

9.21.2008
NAGDADRAMA LANG.
Nung isang linggo. Kumuha ako ng ACET.

Ngunit bago nagsimula yung test na yun. May taong nagsabi sakin ng pinakamasasakit na mga salita na natanggap ko mula pa nung pinanganak ako. Sobrang nasaktan ako sa mga sinabi niya. Mahirap na tanggapin na sa lahat pa ng taong kilala ko sa kanya pa nanggaling yung mga salita na yun. Ni hindi ko nga alam kung baket niya ako sinabihan nun eh. Bago niya nasabi yun nagkukulitan pa nga kami eh. Ang saya ko nga nung araw na yun kasi siya yung pinakaunang tao na nakita kong kakilala ko pagdating ko dun sa High School building tapos biglang magiging ganun. Sobrang sakit puta.

Ayoko ka na sabihin kung sino siya dahil baka kung ano pa sabihin na naman niya. Hay. MASAKIT TALAGA.

Tapos kahapon. Nagpunta ako ng San Beda Mendiola para manuod nung fund-raising activity ng HISFACO. Good mood ako simula nung umaga pero bigla ko siyang nakitang dumatin. At umupo pa siya na medyo kitang-kita ko. So, oo affected ako. Nakikita ko pa siyang nakatingin sakin ng masama. Hindi lang isang beses nangyari yun. Madami. Hindi ko tuloy alam kung papansinin ko ba siya ako o hindi.

As much as I wanted na magkaayos kami, ayaw naman niya akong kausapin eh. Gustong-gusto ka na talagang makipagayos kasi ang hirap niyang lapitan. I've tried texting him many times pero hindi naman siya nagrereply. P-ni-em ko siya kanina sa Y!M na alam ko naman na online siya pero wa-epek parin.

Ano ba dapat kong gawin para magkaayos kami. Sobrang sakit na kasi. Kaibigan ko siya at mahal ko siya. Hindi tama tong nangyayari.

Bakit pa kasi kaylangang mangyari to.

Kung nababasa mo to.
"SORRY NA KUNG MAY NASABI MAN AKONG MALI. NA HINDI MO NAGUSTUHAN. MAHIRAP ANG NAKIKITA KITA ARAW-ARAW PERO INIIWASAN KITA. MAHIRAP AT MASAKIT. SORRY NA TALAGA. SANA MAGKA-AYOS NA TAYO. PLEASE"

Oo na. ANDRAMA KO. Pero gusto ko na talagang matapos to.

♡ I'll remember you { Linggo, Setyembre 21, 2008 }

9.11.2008
Uhm. Hello!

The Dante's Inferno Test has sent you to Purgatory!
Here is how you matched up against all the levels:
LevelScore
Purgatory (Repenting Believers)Very High
Level 1 - Limbo (Virtuous Non-Believers)Very Low
Level 2 (Lustful)High
Level 3 (Gluttonous)High
Level 4 (Prodigal and Avaricious)Very Low
Level 5 (Wrathful and Gloomy)High
Level 6 - The City of Dis (Heretics)Very Low
Level 7 (Violent)Very High
Level 8- the Malebolge (Fraudulent, Malicious, Panderers)Moderate
Level 9 - Cocytus (Treacherous)Very Low

Take the Dante's Divine Comedy Inferno Test

Ayan..

Dalawang beses ko nang tinake yung test ngayong gabe pero PURGATORY parin nag lumalabas. Haha. Weird nga eh. Kasi nung una kong kinuha yung test na to, 8th circle of hell daw ako. Last year pa yun or nung second year pa. BUMAIT siguro ako--------------NOT! :D

Kanina sumabay ako sa service nina Bea na super sikip na kasi sinuspend yun classes nung grade school kaya super fully packed kami dun. Tapos may ginawa yung isang batang lalake dun sa pamaypay niya na ginagaya si Mulan at nashock ako dun! :)) Ayun, naasar ata kasi ginaya ko, umiyak! Kumakanta pa kami, "Who is that girl i see, staring straight back at me.." Haha. Super tawa kami ng tawa pinipigil ko na nga lang kasi baka lumala. Ayun nagaway sila nung katabi niya na grade 3 na babae na nagngangalang Tomoko Yamaguchi.

Astig na bata si Tomoko! Puta, kala mo matanda na kung magsalita! I lab her na!: :))

Umalis kami ng 4:30 sa school tapos dumating kami sa bahay nina Bea ng mga 6 na. around 6:15 umalis narin ako kasi bumabagyo na at baka bahain pa ako.

-------------------------------------------

Bukas birthday nina Aimee at Anne, wala man lang ako regalo tapos pupunta ako sa handaan nila. Haha. Medyo nakakahiya din pero ayos na yun!! Haha. Kapal ng mukha ko amf. Gagawan ko nalang ng greeting card si Aimee.

At bukas may quiz kami sa English at hindi pa ako nagaraal kasi wala akong notes para dun sa tragedies.. Good luck. Sana Divine Comedy nalang yung quiz para alam ko. :)) Nung dinidiscuss kasi ni ser yung tragedies tulala lang ako, ewan ko ba kung bakit.

------------------------------------------

Retreat na namin sa November at kasabay daw namin ang section 42. Medyo nadisappoint ako kasi expected ko na "na" kasama namin ang 44 tapos biglang nagbago. Pag kasama kasi namin ang 44 eh parang nagretreat lang ulit ang 3-33 sa dami ng kaklase namin ni Bea dun. Pero ok narin siguro ang 42 kasi andun si Angelo. Kaso daming epal dun eh. Parang di magiging seryoso yung retreat dahil sa dami ng athletes at gago sa section ni Daddy. Pero dahil andun siya, masaya na ko. :P

-------------------------------------------


♡ I'll remember you { Huwebes, Setyembre 11, 2008 }

9.08.2008
sxfcsfsfsafsd
Anak ng Puta. Lakas ng ulan kanina nung pauwi na ako. Grabe talaga. Pinasok tuloy ng tubig ulan yung sapatos ko. Nakakabanas.

May HW kami ngayon sa math 1-22. Medyo mahirap pero susubukan kong sagutan.

Wala na akong maikwento.

bye.

♡ I'll remember you { Lunes, Setyembre 08, 2008 }

9.05.2008
BOYS LIKE GIRLS MADNESS
Galing ako kanina sa Trinoma upang masaksihan ang mall tour ng bandang Boys like Girls. Sobrang daming tao at hindi rin kami (Daday, Katz) nagkaroon ng chance na makaupo dun sa special seats sa activity center.

Naperform nila halos lahat ng song nila from the album at umabot sila ng 45 mins or so. Ayos din naman. super nagenjoy ako.

Besides the fact na nabwisit ako dun sa isang tao.. (clue: neither daday or katz). Kaya ko nga siya gustong pumunta kasi gusto ko siyang makasama tapos wala din. Hiwalay parin kami kasi may sarili siyang kasama. Hay.

Nakakainis lang.

Ngayon, isang dillema ang pagpili.

Gusto ko pang manuod bukas kaso wala akong pera. PUPUNTA BA AKO O HINDI??

I WANT MORE BOYS LIKE GIRLS!!

Sana magconcert talaga sila..

as in concert..

damihan pa nila yung kanta nila. HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! :))

BOYS LIKE GIRLS GIVE ME THE ENERGy!!

♡ I'll remember you { Biyernes, Setyembre 05, 2008 }

9.01.2008
Robin.
Wala kaming pasok kaninang hapon dahil sa di-umanong "PAASCU Thanksgiving Day" ngunit nilisan ko parin ang aking bahay upang pumunta kina Bea at gumawa sana dapat ng project sa Physics.

Ang kapartner ko dun ay si Simon Robertino Ramos. Pinapapunta ko siya ng 12 pero naghintay ako hanggang 5 at hindi siya dumating. Nung tinawagan ko na siya eh tumawag daw ulit siya nung tanghali na hindi siya makakapunta kasi masakit daw yung binti niya at hindi siya makalakad. POOR ROBIN

Inis na inis parin ako hanggang ngayon kasi naghintay ako sa wala. Sana may naumpisahan kami pero wala. Habang gumagawa sina Bea at Mikko nung sa kanila ako natutulog. :))


NAPAKAGANDA DIBA??

Ngayon, ang gamit-gamit kong keyboard ay keyboard galing kay Bea and I'm loving it. :))

Ayaw na kasi gumana nung una kong keyboard. Tae.


♡ I'll remember you { Lunes, Setyembre 01, 2008 }

Nagpupuyat.
It's already 4:20 am and I'm still up. I've been watching different movies lately and they seem to capture my interest. The latest movie I've watched was the 100 Days with Mr. Arrogant. You can view the details in my short movie review here.

I will be going to Bea's place later coz we will be starting our project in physics which is to ALTER a fairy tale and turn it into a more phsics-sy way of story telling. I have no idea on how I will be able to do that with my partner Robin but I hope it turns out okay. The project is due on Septermber 30 and was given 2 weeks ago.

Next is I really need to do my HTML page for TLE. I know is just plain boring but we need to abide by the curriculum or else we'll all fail.

FAILING SUCKS.

I don't have anything left to rant about and apparently, drowsiness has come to my senses. I still do not know if I am going to sleep or not. We'll see.

I hope I don't get caught using the computer at this time of the day. I'll be dead meat.

♡ I'll remember you { Lunes, Setyembre 01, 2008 }

about

Name : Daniel
Nick : same as above
Age : currently 17
D.O.B : may 22 1992
Horoscope: gemini
School: why the hell do you want to know? are you going to kidnap me or something?




archives

Disyembre 2005, Enero 2006, Pebrero 2006, Marso 2006, Abril 2006, Mayo 2006, Hunyo 2006, Hulyo 2006, Agosto 2006, Setyembre 2006, Oktubre 2006, Nobyembre 2006, Disyembre 2006, Enero 2007, Pebrero 2007, Marso 2007, Abril 2007, Mayo 2007, Hunyo 2007, Hulyo 2007, Agosto 2007, Nobyembre 2007, Disyembre 2007, Enero 2008, Pebrero 2008, Marso 2008, Mayo 2008, Agosto 2008, Setyembre 2008, Oktubre 2008, Nobyembre 2008, Disyembre 2008, Enero 2009, Pebrero 2009, Marso 2009, Abril 2009, Agosto 2009, Setyembre 2009, Oktubre 2009, Nobyembre 2009,

layout

Designer: inkSPLASH
Resources: 1 2 3