9.21.2008
NAGDADRAMA LANG.
Nung isang linggo. Kumuha ako ng ACET.Ngunit bago nagsimula yung test na yun. May taong nagsabi sakin ng pinakamasasakit na mga salita na natanggap ko mula pa nung pinanganak ako. Sobrang nasaktan ako sa mga sinabi niya. Mahirap na tanggapin na sa lahat pa ng taong kilala ko sa kanya pa nanggaling yung mga salita na yun. Ni hindi ko nga alam kung baket niya ako sinabihan nun eh. Bago niya nasabi yun nagkukulitan pa nga kami eh. Ang saya ko nga nung araw na yun kasi siya yung pinakaunang tao na nakita kong kakilala ko pagdating ko dun sa High School building tapos biglang magiging ganun. Sobrang sakit puta.
Ayoko ka na sabihin kung sino siya dahil baka kung ano pa sabihin na naman niya. Hay. MASAKIT TALAGA.
Tapos kahapon. Nagpunta ako ng San Beda Mendiola para manuod nung fund-raising activity ng HISFACO. Good mood ako simula nung umaga pero bigla ko siyang nakitang dumatin. At umupo pa siya na medyo kitang-kita ko. So, oo affected ako. Nakikita ko pa siyang nakatingin sakin ng masama. Hindi lang isang beses nangyari yun. Madami. Hindi ko tuloy alam kung papansinin ko ba siya ako o hindi.
As much as I wanted na magkaayos kami, ayaw naman niya akong kausapin eh. Gustong-gusto ka na talagang makipagayos kasi ang hirap niyang lapitan. I've tried texting him many times pero hindi naman siya nagrereply. P-ni-em ko siya kanina sa Y!M na alam ko naman na online siya pero wa-epek parin.
Ano ba dapat kong gawin para magkaayos kami. Sobrang sakit na kasi. Kaibigan ko siya at mahal ko siya. Hindi tama tong nangyayari.
Bakit pa kasi kaylangang mangyari to.
Kung nababasa mo to.
"SORRY NA KUNG MAY NASABI MAN AKONG MALI. NA HINDI MO NAGUSTUHAN. MAHIRAP ANG NAKIKITA KITA ARAW-ARAW PERO INIIWASAN KITA. MAHIRAP AT MASAKIT. SORRY NA TALAGA. SANA MAGKA-AYOS NA TAYO. PLEASE"
Oo na. ANDRAMA KO. Pero gusto ko na talagang matapos to.
♡ I'll remember you { Linggo, Setyembre 21, 2008 }