Napakahirap patunayan sa aking sarili na kaya kong mabuhay ng wala siya habang araw-araw ko siyang nakikita at hindi makausap. Nakakainis isipin na andiyan lang siya sa harapan ko ngunit hindi ko naman magawang lapitan siya.
Malamang eh naiirita na kayo sa mga pagdadrama na pinag-gagagawa ko. Ako rin mismo naiirita na sa sarili ko eh. Feeling ko ambobo-bobo ko at nagpapadala ako sa "PUSO" ko, kung meron pa ngang natira. Sa tingin ko kasi durug-durog na kung ano pa ang natira sa pusong kong tigang na tigang na.
Tigang sa pagmamahal at pagunawa. Pana'y poot ang nadarama. Putanginang buhay to, bakit nalang palaging ganito. Bakit ba kasi ginawa akong ganito ng tadhana, lagi nalang akong nasasaktan. Marahil naiisip niyo na "tangina, landi naman nito". Fine, sige, isipin niyo lang yun. Dito lang kasi ako nagkakaron ng lakas ng loob para makapaglabas ng sama ng loob kaya please sana mapagbigyan niyo ako sa aking pagdadrama.
Nakakairita kasi talaga eh. Sobra na.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Okay tama na ang pagdadrama. Nakakadiriri na. Haha. As far as the other areas of my personhood and relationships with others is concerned, I'm perfectly fine. :D
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------