11.10.2008
BOOM.
Retreat namin nung November 7-9. Masaya naman siya infarness. The best yung skit nung mga auxillaries na pinamagatang Monumento at Siga't Tanga. :D
Super sayang kasama ni Kuya Phil at masayang kausap si Kuya DonDon (McEisen yung name niya.. cool!) na pinaghihinalaang kong bading pero kung bading siya sige kami na! :)) hahaha. joke lang.
Ayoko nang ikwento lahat kasi naexperience naman to ng batchmates ko at magiging spoiler para sa mga 3rd year ngayon.
Masaya yung mga nangyari tuwing break time namin sa mga dorms. May onting wrestling na naganap. :)) Nakakagago pa yung hinubaran nila si Jaydee tapos galit na galit na siya pero nakakatawa parin yung itsura. Super Bonding talaga pagdating na dun sa dorms. Karoom ko sina Kent, Shakk, Manu, Xavier, Robin, King at Yadj. Kasama rin namin dun sa room namin yung ibang mga taga 42 na sina Joven, Wendel, JM Corotan, Yuri, Ryan, Homie, Guce, Kyle, Jimboy. Kung may nakalimutan ako, sorry nalang ah. :D
Nakakatawa rin yung naghubad si Jose sa harapan ni Masuda! :)) Pati rin si Guce.
Nung huling gabi, nagbonding kaming dalawa ni Cabu kasi nakitulog siya dun sa kwarto namin at nagtabi kaming dalawa.
Yung kwarto namin eh isang malaking kwarto na meron pang 3 maliit na kwarto at dalawang CR. ahaha. Grabe din yung amoy kasi pag may tumae, amoy dun sa buong kwarto!! hahaah.
Masaya siya all in all kasi major bonding talaga para dun sa dalawang section.
Tama nga sila, eto ay isa sa mga hinding-hindi ko makakalimutan sa fourth year.
Naeexcite na tuloy ako para sa immersion! :))
♡ I'll remember you { Lunes, Nobyembre 10, 2008 }