11.20.2008
Immersion po.
Hindi ko nakalang mageenjoy ako sa immersion. Ang nasa isip ko kasi eh mapapahirapan kami ng bonggang-bongga sa pagfafarm and everything pero mali pala ang iniisip ko. Umalis ako ng bahay ng 4:50 ng umaga kasi sabi nila dapat daw 6:30 nasa school na. Syempre sa layo ba naman ng bahay ko eh dapat ko talagang agahan. Nagtaxi pa nga ako para lang hindi ako ma-late talaga at dumating ako sa school ng 6:00. Pero kamusta ka naman wala pa yung mga bus so mga 7 na ata kami naka-alis. Saya diba. Katabi ko si bus si Cabu at buong trip kaming tulog.
Dumating kami sa Barangay Tenejero ng mga 9:45 at naglakad sa ilalim ng kainitan ng araw. Dumating kami sa aming paroroonan ng bandang 10:15 dahil sa bagal ba naman ng lakad namin. Pinapayongan pa ako nun ni Kristine kasi dala ko ang bag niya.
Pagdating namin dun sa parang conference place eh may mga naka-kabit na sections sa mga puno kung saan kami uupo. Kaso wala pang upuan nung dumating kami sa nakatayo lang kami.
Andun na yung mga foster parents na susundo samin para i-welcome kami at isama na sa bahay nila. Yung parents ng 41 at 42 eh meron nang maayos na name tag na may pangalan ng mga batang magaalaga sa kanila ngunit yung amin eh wala pa kasi huli na daw naibigay ni Miss Bandala yung listahan ng partners so medyo naghintay pa kami upang masulatan ng pentel pen ang mga papel nung mga magulang na naghihintay sa amin.
Ang foster mother na sumundo sa amin ni JP Silva ay si Mrs. Julie Cruz na asawa ng isang farmer. May anim siyang anak na sina Bryan, Liezel, Ate Aiko, Kuya Ferdie, Ace at Ate Myla. Ang pinaka-naging ka-close ko ay sina Bryan at Liezel dahil sila ang dalwang pinakabata.
Maayos naman yung bahay nila. May kubeta, poso, tv, sala at atbp. Isang simpleng bahay para sa isang simpleng pamilya. Kapitbahay namin si Nanay Doray na foster mother naman nina Xavier at Cabu. Dun kami ni JP sa bahay nila natutulog pag gabi dahil walang mahihigan sa bahay nina Nanay Julie na pagkakasyahan naming dalawa.
After namin pumunta sa bahay eh nagbihis na at nagpahinga. Dapat ay pupunta kami sa bukid upang magsabog ng binhi ng palay ngunit inantok kaming dalawa at nahiga pero hindi rin naman kami nakatulog. Habang namamahinga kami eh sina Bea pala ay nag-gala muna at nagpunta sa may sapa upang tumambay at magpicturan. Sayang hindi kami nakasama. Nalaman ko nalang na umalis sila nung nakarating na sila. :)) Labo amf.
Nung bandang mga 4 na eh merong program para sa aming mga estudyante. Nagkaroon ng mga palaro.
Ang unang palaro ay yung ilulusot mo yung itlog sa loob ng shirt mo at shorts mo tapos ipapapasa mo sa katabi mo. Tatlong itlog yun at dapat hindi mababasag. Nanalo kami dun.Haha kaso hindi ako sumali.
Ang sumunod na laro ay yung magsasandok ka ng tubig gamit ang kamay mo tapos ilalagay mo sa bote ng coke sa kabilang ibayo at pagkatapos ng 3 minutes eh padamihan ng tubig na naipon. Nanalo kami ulit dun at mga babae naman ang representative namin.
Ang pangatlong game naman ay sumali na ako. Medyo nakakagago nga yung game eh. Ipapasok mo yung end nung straw na lubid sa loob ng left sleeves mo tapos derecho sa shorts hanggang lumabas dun sa left na butas, ipapasok mo dun sa right na butas nung shorts tapos ilalabas mo sa right sleeve. Nakakataranta na ewan. Haha. May friction pa edi ipit si JunJun. :))
Talo kami dun eh.
Next game, yung girls naman ulit at magshu-shoot ng cornick sa baso. Sasaluhin nung adviser habang binabato nung girls. Talo kami dahil ang galing sumalo ni Sonajo. Expert na expert eh. :))
Tapos yung last game eh hindi na kami kasali kasi kami yung may pinakamadaming panalo.
May puprotektahan na King Or Queen. Tapos hindi dapat mababasa yung K or Q dahil yung kalabang section eh mambabato ng bag ng tubig. Panalo sina Sonajo nun eh. :))
So ayun.
After nun balik na ulit sa bahay at chikahan.
Naligo kami ni JP sa may poso nung gabi na at super lamig. :))
Nakakatuwa. Yung dinner namin nun ay meat loaf na kami ni JP ang nagluto. Super saya kasama nung family kaya tuwang-tuwa ako dun. Yung kapatid pa ni nanay Julie na si nanay Doray eh ang kulit. Kahit byuda na eh super sayang kasama.
Nung matutulog na eh dun nga kami kina Cabu natulog. Naglatag si Nanay Doray ng banig sa sahig at dun na kami natulog. Kaming apat eh super antagal bago makatulog. Nagdaldalan kami hanggang mga 12 kasi 9 palang eh bawal nang lumabas ng bahay at huhulihin daw kami ng baranggay tanod at dun kami matutulog sa baranggay.
Madaming kaming napagkwentuhan nina Cabu. Mga crush and everything na hindi ko na isusulat dito kung sino man sila dahil baka magkaron pa ng intriga.
Nakatulog na ako nun at malaman-laman ko nalang eh hindi pa pala tulog sina Cabu nun.
Nung magigising na, syempre ang pinakamahirap gisingin ay si Cabu
Second Day. to be continued po muna. hahah.
♡ I'll remember you { Huwebes, Nobyembre 20, 2008 }