11.21.2008
Minsan May Isang Puta.

Minsan May Isang Puta

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit,
binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming
lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam
kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko. Tara makinig ka
muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa
akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh.
Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit
alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro
talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa
katawan ko, na-rape daw ako….

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.
Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya.
Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at
Co??Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing
ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop
niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit.
Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang
tinatakbuhan ko. Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung
kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy
na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. Putang
Ina! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong
malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na
daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap
magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan
namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati
kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis
sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski
amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan
ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa
kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan
naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa
hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin.
Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng
magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko
Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak
kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala
akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang
sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng
letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na
lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako
balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na
importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang
pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa
kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa
rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa
tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak
ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling
nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa
kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila,
kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa’t isa.
Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Angdami ko ng pasakit na
tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa
akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap
ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala
sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako
ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa
taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw
ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban
naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN
AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

-END-

♡ I'll remember you { Biyernes, Nobyembre 21, 2008 }

about

Name : Daniel
Nick : same as above
Age : currently 17
D.O.B : may 22 1992
Horoscope: gemini
School: why the hell do you want to know? are you going to kidnap me or something?




archives

Disyembre 2005, Enero 2006, Pebrero 2006, Marso 2006, Abril 2006, Mayo 2006, Hunyo 2006, Hulyo 2006, Agosto 2006, Setyembre 2006, Oktubre 2006, Nobyembre 2006, Disyembre 2006, Enero 2007, Pebrero 2007, Marso 2007, Abril 2007, Mayo 2007, Hunyo 2007, Hulyo 2007, Agosto 2007, Nobyembre 2007, Disyembre 2007, Enero 2008, Pebrero 2008, Marso 2008, Mayo 2008, Agosto 2008, Setyembre 2008, Oktubre 2008, Nobyembre 2008, Disyembre 2008, Enero 2009, Pebrero 2009, Marso 2009, Abril 2009, Agosto 2009, Setyembre 2009, Oktubre 2009, Nobyembre 2009,

layout

Designer: inkSPLASH
Resources: 1 2 3