12.09.2008
The drums, The drums, The drums.. :))
Super nasisiraan na ako ng bait. :))Napakawalang kwenta nung survey form ko at hindi ko alam kung marireach ko yung dapat kong malaman gamit yung survey form eh. Feeling ko nga hindi eh. Siguro papacheck ko kay Miss Yabut bukas tapos saka ko dadagdagan kung kulang pa. Bangag na bangag na ako eh.
Wala pa akong reaction paper para sa ECONOMICS pero meron na ako nung HARD copy nung research tungkol sa kung san-san man. Yung Great Depression chuvaness. Haha. Parang ang EMO eh. Amfness nalang.
So ngayon, 12:30 na at wala pa akong nagagawang matino pero matutulog na ako. Ayoko nang pahirapan ang sarili ko. Mamaya ko na aayusin ang buhay ko. Taena talagang term paper to.
Kung ang term paper ay pinagagawa dahil pinaghahanda kami para sa college, eh "SIR" masyado mo naman kaming mahal. Kahit wag mo na kaming ihanda. Ayos lang. :)) WTH.
Sakit kasi sa ulo eh. Naalala ko tuloy yung kakornihan ni DIZON. T-H-E-S-I-S = The Hard Extra Schoolwork in School ata yun. Ewan ko ba. Sorry kung mali, basta parang ganun nga yun. Kung ano mang ka-epalan yun.
So ayan, nagpapapam-pam na naman ako. Eh sa naloloka na ako dito eh. Wala pa akong makausap kundi yung aso kong walang ginawa kundi mang-ngatngat ng mga mahahalagang bagay sa buhay ko kagaya ng earphones ko, chargers, kumot, unan, atbp.
Ngayon ko lang din nalaman na hindi bagay ang PINEAPPLE JUICE sa TUNA SANDWICH. Puta, pangit ng lasa.
Kailangan ko ngayon ng inspirasyon para makagawa ng matinong TERM PAPER. Sino pwede? Taena. Mamatay na ako.
♡ I'll remember you { Martes, Disyembre 09, 2008 }