12.19.2008
Emo na naman pare.
Tangina pare, LAST CHRISTMAS PARTY ko na sa SBC-Rizal kahapon. Nakakalungkot na hindi na to masusundan. Tulad din ng last X-mas Mass performance kahapon ng Schola Cantorum na may mga epal na hindi naman kumakanta. Ika-nga ni Mikko, mas madrama siguro yun kung kami-kami lang na masugid na miyembro ng Schola ang nandun at lahat kami ay kumakanta. Nakakalungkot hay.Ang nakakaasar pa kahapon, pinipilit ko nang ibaon muna sa limot ang katotohanan na last XMAS party na ngayon pero tangina nito na father eh pinatayo pa kaming mga 4th Year at pinaalala pa. Nag-goodbye pa nga ata siya eh. Epal amf. Dun na nagsimula ang pagka-emo ko.
Hindi ko nga lang masyadong pinahalata nung Xmas party mismo. Nakakairita yung fact na hanggang dito nalang ang high school. Bakit ba parang ambilis. Nakakabadtrip.
Hindi pa talaga ako handa para lisanin ang HS at mas lalong hindi ako handa na mahiwalay na sa mga kaibigang apat na taon ko nang kasama. As in sobra. Like OMG na talaga.
Onga pala, bakasyon na pero hindi ko pa masyadong feel. Andaming gagawin eh.
Project sa Physics at Math. Yung Monologo sa Filipino, at pagpeprepare para s Defence or Revalida sa English. So goodluck nalang sa pagsabay nag page-emo ko buong christmas break at sa mga dapat asikasuhin.
Eh sa nalulungkot talaga ako eh. Hindi ko nga maimagine kung gaano ako sobrang iiyak pagdating na ng graduation.
Mamimis ko kayo lahat ng araw simula ngayon ichecherish ko na talaga. AS in SOBRA.
Kung pwede lang ako magdala ng camera araw-araw gagawin ko para lang magkaron ako ng napakaraming remembrance. :D
I LOVE YOU ALL. :((
♡ I'll remember you { Biyernes, Disyembre 19, 2008 }