12.15.2008
Half Day.
Half Day kami kanina so may karapatan akong umuwi ng maaga na hindi ko naman sinunod. Tumambay ako sa Robinson's Galleria at nagtangkang manuod ng Indie Film na DOSE starring Yul Servo and a 12 year old kid. Kaso nga lang nabigo ako kasi naman R-18 pala siya akala ko naman R-13 lang so sayang. Hindi naman kasi talaga ako papasa ng R-18 sa height kong to eh, tapos naka-uniform pa ako ng San Beda pare. So wag nalang nga.

Nang ako ay mabigo ay dumirecho ako ng Tom's World para maglaro ng kung ano ano. Una bumili ako ng limang tokens na sinayang ko sa paglalaro ng Dance Dance Revolution na hindi naman ako marunong pati na ng Drum Mania.

Ng hindi parin ako nakuntento, bumili ako nung 10+3 tokens na pack which is worth 50 pesos at sinayang naman ang lahat ng yun sa pagkanta ng BIDYOKE. Nasa private room naman ako kaya talagang makapala ng mukha kong kumanta kasi ako lang naman ang nakakarinig sa akin.

Pagkatapos maubos ng lahat ng iyon eh dumirecho na sa bahay at dumating ako ng mga alas-kwatro. :D

Ngayon balak ko nang simulan ang naiwang term paper na hopefully matapos ko na hanggang mamayang 12mn.

SO HELP ME GOD.


♡ I'll remember you { Lunes, Disyembre 15, 2008 }

about

Name : Daniel
Nick : same as above
Age : currently 17
D.O.B : may 22 1992
Horoscope: gemini
School: why the hell do you want to know? are you going to kidnap me or something?




archives

Disyembre 2005, Enero 2006, Pebrero 2006, Marso 2006, Abril 2006, Mayo 2006, Hunyo 2006, Hulyo 2006, Agosto 2006, Setyembre 2006, Oktubre 2006, Nobyembre 2006, Disyembre 2006, Enero 2007, Pebrero 2007, Marso 2007, Abril 2007, Mayo 2007, Hunyo 2007, Hulyo 2007, Agosto 2007, Nobyembre 2007, Disyembre 2007, Enero 2008, Pebrero 2008, Marso 2008, Mayo 2008, Agosto 2008, Setyembre 2008, Oktubre 2008, Nobyembre 2008, Disyembre 2008, Enero 2009, Pebrero 2009, Marso 2009, Abril 2009, Agosto 2009, Setyembre 2009, Oktubre 2009, Nobyembre 2009,

layout

Designer: inkSPLASH
Resources: 1 2 3