12.06.2008
PUTAkte.
Nakakairita. Yun lang ang makakapagdescribe ng araw ko kahapon. Nak ng puke.

Unang una, pinapunta kami ng SBC-Mendiola para manuod nung SHAKE MO SCHOOL MO ng TV5 na wala namang kwenta at parang nagpunta lang kami ng Beda para tumambay. Nakakairita talaga. Naglaro nalang kami ng UNO nina Margaret, Xavier, Julian, Ysabel, at kung sino sino pa.
Super BOREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEED talaga kami. Nakakainis.

Tapos naiwala pa ni Sir Sonajo yung UST form ni Nikko kaya kinailangan namin magprint ng bago, magpa-dry seal uli at pauwiin si Nikko para makuha yung Birth Certificate niya at dawalang 2x2 na ID pic. Pagkatapos nun. Hinintay namin si Nikko para makabalik ng Beda at malalaman ko na hindi pala siya sasama sa UST at ipapasubmit lang yung form niya SAKIN kasi daw pupunta siya ng U.E. Whatever talaga Nikko. Whatever.

Tapos nun. mga 3 na kami nakaalis sa Beda para makapunta sa UST. Sinunod namin ang alam na daan ni Xavier na sasakay ng LRT papuntang Recto at sumakay ng Jeep papuntang Dimasalang para makarating sa UST.

Walang humpay na paglalakad bago kami makarating sa Tan Yan Kee Hall at bigla naming makikita ang pilang 1 kilometro ata ang haba. Pero syempre pumila parin kami. Wala na talaga kaming magawa nun at masasakit na ang paa namin kaya pinagtatawan nalang namin yung mga nakakatawang mga bagay. Tulad ng dalawang babaeng naka uniform na akala mo may pulang apron na suot-suot. Mukha talaga tanga.

Isa pang napansin namin ay yung mga nakalistang pangalan sa labas nung building. May nakita kaming apelyido ay Gesmundo at isa namang apelyido na Ballester. SUD! :))

After namin pumila ng 2 oras at finally makuha ang permit ko, ni Nikko at ni Gyeo, Lumabas na kami ng UST papuntang McDo Morayta at kumain ng putanginang dinner.

Hinatid ko pabalik ng Beda sina Bea kasi sasabay siya kila Nap pauwi. Nakita namin sila sa may St. Placid's Hall at dun officialy nagdecide na umuwi na after namin kagatin si MJ. :))

Nairita pa ako na gusto akong papuntahin ni Nikko sa Mendiola para ibigay yung permit niya. Eh hello? Ako na nga yung pumila ng dalawang oras ako pa yung mag-eeffort? Epal naman kung ganun diba? Tapos nalaman ko pa kay Nap na kaya hindi siya sumama sa UST eh dahil nanuod siya ng Quarantine sa Gateway kasama si ROSE ANNE. Putanginang shet! Sinong hindi magagalit nun!? Nakakabanas talaga. Sarap sampalin.

Well, anyways.
Naisipan naming mag-bus at sumama pa ako dun. Pinagtripan pa nga namin si Redge na hindi siya pwedeng magsalita the whole trip kundi ililibre niya lahat ng pamasahe namin. 3 strikes and she's out! :)) Mukha tuloy siyang tanga na nagsasign language. Para kaming nga-cha-charades! :D Ang ingay-ingay namin sa likuran ng bus at napapatingin na yung mga tao samin pero wala parin kaming pakielam. :D

Bumaba ako sa Ortigas at bumili ng t-shirt kasi sobrang baho na nung shirt ko dahil sa isang buong araw na TODO-PAWIS na naranasan niya. :))

At naka-uwi ako ng 10:30.



♡ I'll remember you { Sabado, Disyembre 06, 2008 }

about

Name : Daniel
Nick : same as above
Age : currently 17
D.O.B : may 22 1992
Horoscope: gemini
School: why the hell do you want to know? are you going to kidnap me or something?




archives

Disyembre 2005, Enero 2006, Pebrero 2006, Marso 2006, Abril 2006, Mayo 2006, Hunyo 2006, Hulyo 2006, Agosto 2006, Setyembre 2006, Oktubre 2006, Nobyembre 2006, Disyembre 2006, Enero 2007, Pebrero 2007, Marso 2007, Abril 2007, Mayo 2007, Hunyo 2007, Hulyo 2007, Agosto 2007, Nobyembre 2007, Disyembre 2007, Enero 2008, Pebrero 2008, Marso 2008, Mayo 2008, Agosto 2008, Setyembre 2008, Oktubre 2008, Nobyembre 2008, Disyembre 2008, Enero 2009, Pebrero 2009, Marso 2009, Abril 2009, Agosto 2009, Setyembre 2009, Oktubre 2009, Nobyembre 2009,

layout

Designer: inkSPLASH
Resources: 1 2 3