12.10.2008
R.I.P.
Alam kong dapat ginagawa ko na ngayon ang term paper ko pero dahil sa hindi ko maipalawanag na kadahilanan eh hindi ko maituloy-tuloy ang pag-gawa. Yung sobrang paputol-putol. Nakakairita lang tuloy. Bukas pa ako magsisimulang magsurvey at tatapusin ko din bukas.Magtatally tapos magaanalyze ng data. At pagkatapos nun ay magkoconclude na.
Tapos nun at gagawa ng recommendations para sa mga future na magreresearch na nasa same range ng topic.
Tapos nun aayusin ang buong term paper. Siguro derecho yung wala talagang tulugan. Kasi wala pa akong nagagawang matino hanggang ngayon. Yung RRL ko eh bitin parin at isang paragraph parin, eh supposedly yun yung pinakamahabang part nung Term Paper. Ah ewan ko ba. Basta hindi ko na hahahabaan. Sakit sa ulo no.
Super nafufrustrate na ako sa sarili ko. At pinipilit ko nalang yung mata na dumilat kasi ayaw na talaga at super antok na antok na ako sa sobrang layo ng bahay ko at sobrang haba ng biyahe ko. YAN ang disadvantages ng isang baliw na nakatira sa siyudad pero nagaaral sa bundok. Baliw naman kasi nga talaga.
O siya. Tatapusin ko na ang chapter 2 at 3 ko.
PRAY FOR THE ETERNAL REPOSE OF MY SOUL!!
♡ I'll remember you { Miyerkules, Disyembre 10, 2008 }