2.26.2009
CLICHE,
Oo. As you may have read from other blogs, last day regular school day na ng mga seniors bukas. Medyo sentihan eto at hindi ko lang maimagine kung gaano ako iiyak bukas. Sige sabihin na nating meron pang monday hanggang wednesday next week pero iba parin yung feeling na alam mong huling araw mo na para umupo sa silild aralan ng inyong pangkat at makasalamuha ang mga kaklase mo para magkaroon ng klase sa iba't ibang asignatura para sa huling pagkakataon. HULI NA KASI EH. Hindi na mauulit pa.

Alam kong magkikita pa kami ng napakaraming araw para sa mga graduation practice at kung ano ano pa pero hindi na kami sa classroom nun eh. Saka practice nalang yun. Wala nang aral. Although masaya yung thought na wala nang araw, after nung graduation practices at dumating na yung graduation day, ano na? Wala na, tapos na. :(

Yun ang nakakalungkot. Kasi hindi naman natin sigurado kung magkikita pa kaming lahat muli. Hindi naman kami lahat magiging magkasama sa mga kolehiyo na papasukan namin. Baka yung iba magiibang bansa na.

Masakit isipin na after 4 years, matatapos na lahat. Maghihiwalay na kami.

SIge sabihin natin na dapat nga natin tanggapin kasi wala namang permanente sa mundo. Pero hindi madaling gawin yun eh, madali lang siyang sabihin.

Kung ikaw nga hindi mo rin kaya yung ng ganun ganun nalang eh. I dare you, kaya mo bang mahiwalay sa taong nakasama mo na ng apat na taon? Diba mahirap?

Pero wala na tayong magagawa. Andiyan na ang pagtatapos ng kalsada. Wala na tayong patutunguhan pa. Wala na tayong choice kundi harapin na ang dead end at tanggapin ang katapusan.

Sabagay, bata pa naman kami eh. Madami pa kaming mararanasan sa hinaharap. Pero ang tanging panata ko sa buhay ko, hinding hindi ko makakalimutan ang high school life ko. Sa dami ba naman ng taong pumasok sa buhay ko, nanakit, nagmahal at nagpasaya, makakalimutan ko ba naman lahat yun?

Sa kabuuan, masaya ang high school. Wag ka lang papaapekto sa mga tao sa paligid mo at sa gabundok na requirements na sumasalubong sayo. Masarap takbuhan pero hindi mo matataguan.

Tama na, ilang beses na ba ako nagpost tungkol dito. Nakakasawa narin eh. Hantayin nalang naitn yung moment na talagang ngumagawa na ako at hindi ko na kaya kasi maghihiwalay na at wala nang magagawa pa.

♡ I'll remember you { Huwebes, Pebrero 26, 2009 }

about

Name : Daniel
Nick : same as above
Age : currently 17
D.O.B : may 22 1992
Horoscope: gemini
School: why the hell do you want to know? are you going to kidnap me or something?




archives

Disyembre 2005, Enero 2006, Pebrero 2006, Marso 2006, Abril 2006, Mayo 2006, Hunyo 2006, Hulyo 2006, Agosto 2006, Setyembre 2006, Oktubre 2006, Nobyembre 2006, Disyembre 2006, Enero 2007, Pebrero 2007, Marso 2007, Abril 2007, Mayo 2007, Hunyo 2007, Hulyo 2007, Agosto 2007, Nobyembre 2007, Disyembre 2007, Enero 2008, Pebrero 2008, Marso 2008, Mayo 2008, Agosto 2008, Setyembre 2008, Oktubre 2008, Nobyembre 2008, Disyembre 2008, Enero 2009, Pebrero 2009, Marso 2009, Abril 2009, Agosto 2009, Setyembre 2009, Oktubre 2009, Nobyembre 2009,

layout

Designer: inkSPLASH
Resources: 1 2 3