2.27.2009
Farewell.

Nung Friday, ginanap ang send-off and turn-over program naming mga seniors. Bangag halos ang buong 4-43 dahil wala kaming tulog pagkat nag-cram kami ng mga proyekto na isusumite ngayong araw na to tulad ng Filipino, English at Math.

7 am palang pinababa na kami sa Mendiola Hall para pumila habang ang mga undergraduates ay naghihintay na sa loob. :(

Nalulungkot ako kasi nga send-off. Nakakaiyak kasi kumanta si Ms. Limcumpao. Ayoko na sanang magdrama ulit kaso hindi maiwasan eh. Nakakagago lang yung part sumayaw yung first place sa Gospel Music Festival para daw samin eh nakatalikod naman sila samin. Ang gaganda ng mga likod nila eh. :))

Last regular school day na to at final exams na namin sa monday. Masaya naman pero hindi ko matanggal sa mukha ko yung lungkot na patapos na nga talaga ang high school. Nagsisisi nga ako ngayon kasi hindi ko talaga nabigay ang lahat ko ngayong araw na to eh.

Sobrang mamimiss ko ang San Beda College Rizal Campus. Mamimiss ko ang mga tao dito.

Mamimiss ko sina:

Mr. Sigua sa mga times na napapaiyak niya ako.

Mr. Sonajo sa mga pagkakataon na pinatatawa niya kami.

Ms. Bandala sa pagaaruga sa amin bilang isang mabuting tagapayo at kaibigan.

Ms. Yusores sa pagpapasensya sa pagtulog namin sa klase niya.

Mr. Salazar na nagturo samin bagama't hindi direkta na kailangan namin siya para matuto Math IV at wala kaming maiintindihan kapag wala siya.

Mr. Cubacub sa pagtuturo samin kung pano sumayaw ng CHA CHA CHA, IRISH LILT at pagpapakita samin na nasa ARTS talaga ang passion ng 4-43.

Mr. Jordan Cruz para sa pagunawa sa katarantaduhan ng section namin at sa pagturo samin kung pano kumanta ng round song at kung anu-ano pa.

Mr. Vic Cruz para sa mga free period na nakukuha namin pagka't hindi siya dumadalo sa aming mga pagtitipon.

Ms. Rivera sa pagtuturo samin ng kung anu-anung bagay na computer related pero sa tingin naman namin ay hindi namin magagamit sa kolehiyo, salamat narin.

Ms. Yabut para sa mga routine interview, tulong sa term paper at pagpapasensya sa section namin.

Ms. Rosario na kahit na baguhan pa lamang siya e sinikap niyang makisama sa magulo at maingay naming pangkat at maturuan kami sa abot ng kanyang makakaya.

SALAMAT SA LAHAT NG GURONG MGA ITO.

Salamat rin kay Ms. Adriano at Mr. Baguinon sa pagiintindi sa aming pangkat kung meron mang onting pagkakalabuan.

MARAMING SALAMAT SA MGA TAONG SUMUSUNOD:

Bea Sigua, Mikko Dela Cruz, Vanessa Gesta, Kristine Llano, Daday Santos, Katz Rullan, Akeem Aragon, Joanalou Pablo, Angelo Antonio, Joven Masuda, Paolo Chua, Paolo Quimbo, Nap Arnaiz, Julian Cirineo, Karlo Capistrano, Erwel San Buenaventura, Dominic Orino, Mutya Camba, Lea Ribaya, Ton Carlos, Jaydee Beleno, at marami pang iba.

pasensya na sa mga hindi namention. medyo dalawang araw na kasing pending tong post na to.


thank you sa inyo kasi kundi dahil sa inyo, hindi magiging ganito kalungkot ang pagtatapos ng high school ko. naging kapanapanabik ang bawat araw sa eskwela dahil sa inyo at my high school life won't be the same without you guys.


TO BE CONTINUED. :D

♡ I'll remember you { Biyernes, Pebrero 27, 2009 }

about

Name : Daniel
Nick : same as above
Age : currently 17
D.O.B : may 22 1992
Horoscope: gemini
School: why the hell do you want to know? are you going to kidnap me or something?




archives

Disyembre 2005, Enero 2006, Pebrero 2006, Marso 2006, Abril 2006, Mayo 2006, Hunyo 2006, Hulyo 2006, Agosto 2006, Setyembre 2006, Oktubre 2006, Nobyembre 2006, Disyembre 2006, Enero 2007, Pebrero 2007, Marso 2007, Abril 2007, Mayo 2007, Hunyo 2007, Hulyo 2007, Agosto 2007, Nobyembre 2007, Disyembre 2007, Enero 2008, Pebrero 2008, Marso 2008, Mayo 2008, Agosto 2008, Setyembre 2008, Oktubre 2008, Nobyembre 2008, Disyembre 2008, Enero 2009, Pebrero 2009, Marso 2009, Abril 2009, Agosto 2009, Setyembre 2009, Oktubre 2009, Nobyembre 2009,

layout

Designer: inkSPLASH
Resources: 1 2 3