2.11.2009
Huling Hantungan.
Eto na yung part ng taon na nagbibilangan na ang mga fourth year tulad ko ng mga lasts nila. Last christmas party, last convocation, last integration, last frolics, last field trip, last retreat, last math/science/tle/english weeks, last teachers' day, at kung ano ano pang mga lasts na hindi ko na maisip dahil sa sobrang pagdadrama kong to.

Biruin mo, parang kelan lang nung unang araw na pumasok tayo ng San Beda Rizal. Nung nakilala natin yung mga first year classmates natin at kung pano ako nasindak sa first year adviser namin. Parang kelan lang nung 2005 pa at lahat tayo ay mga totoy at nene pa. Ngayon, tangina, fourth year na tayo at gagraduate na sa Marso. Ilang linggo nalang ang nalalabi mageexam na tayo.

We have to admit, bilang na talaga ang mga araw natin. Ayoko man sa sarili ko isipin ang mga bagay na to, hindi ko talaga maiwasang bagabagin ng mga multong umaaligid sa akin. Multong nagpapaalala ng nakaraan at nagpapakita ng hinaharap. Multong nagpapatunay na lahat ng bagay ay may katapusan.


Siguro sawang sawa na kayo sa kababasa ng kadramahan tungkol sa pagdating ng graduation mula dito sa putanginang walang kwentang blog na to, pero dito lang kasi ang nakakapaglabas ng saloobin kasi pag sa harap niyo mimo ko sinabi lahat ng to, well babarahin niyo lang ako at sasabihin na masyado akong whatever to think of these fucking things.

Hindi ko naman kasi kayang iwasan ang pagiisip sa mga bagay na ganito kasi puta, anjan na po sila. Hindi na po matatakasan. Ang ikinalulungkot ko lang naman eh malapit na tayong lahat maghiwa-hiwalay. Pagkatapos ng apat na taon nating magkakasama, na parang bagyo lang na dumaan sa mga buhay natin, magkakahiwa-hiwalay na tayo. Hindi rin naman sigurado kung magkakausap pa tayong lahat muli, magkikita o makakapagbalitaan kahit minsan.

Mahirap din isipin para sakin na matatapos ang taon na to na may nasirang pagkakaibigan na hindi ko na maayos pa. Parang imposible na kasi. TAKOT na akong lapitan pa siya ulit dahil natatakot akong mareject, mamata, at maalipusta. Gustuhin ko man ayusin ang lahat ng pagkakalabuan naming dalawa, huli na ang lahat. Sira na ako sa kanya, at nawalan na akong ng pagasa.

Oo, sayang yung pagkakabigan na nawala dahil sa kabobohan naming dalawa. Ika nga ni Ms. Yusores, it takes two to tango, so hindi pwedeng ako lang ang at fault sa sitwasyon namin, meron din siyang pagkakamali, kasalanan, kabobohan.

Oo, bobo ako kasi hindi ko pa sinunod yung gusto niyang mangyari. Hindi ako lumayo nung sinabihan niya akong lumayo. Sana sinunod ko nalang, para hindi na nagkakagaguhan. Mali din naman siya dahil hindi niya nakita na gusto ko lang makapaghiwalay ng matiwasay, makapaghiwalay ng walang sama ng loob. Walang hinanakit. No hard feelings sabi nga nila.

Sana rin hindi ko na ako nandamay pa ng iba na alam ko naman na sumasakay lang sa kakaibang trip ng taong hindi ko na maiintindihan ang pagtakbo ng utak. Bagay na bagay nga sakin yung kantang Decode ng Paramore eh.

"HOW DID WE GET HERE, I USED TO KNOW YOU SO WELL"

I used to know him so well. Pero ngayon, nagbago na siya. Hindi na siya yung ANGELO ANTONIO na nakilala ko nung chemistry class nung third year. Hindi na siya yung Angelo-ng naging kaibigan ko, sandigan, confidante.

Akala ko noon pinagkatiwalaan niya ako, akala ko noon buo ang loob niya sakin. Akala ko, akala ko. Isa nga ako sigurong bobo para isipin yon. Napakabobo ko. NAPAKABOBO.

Hindi ko rin alam kung bakit napunta sa pagdadrama ko tungkol kay Angelo ang post na to, pero itutuloy ko parin.

Siguro masasabi mo ngayon na nagpapakabitter ako dahil sa past na yun pero, past is past eh. Hindi ko na talaga mababago yun. Ang tanging masasabi ko nalang talaga eh, sayang. SOBRANG SAYANG.

Balik school.

Sana, sa nalalabing mga araw, punuuin natin ng ligaya ang ating puso at ipunin natin ng saya ang ating araw araw na buhay.

Basta ang alam, ang tanging bumubuhay sakin ngayon, ang 4-43 na natutunan ko nang mahalin at sobrang iiyakan ko pagdating ng graduation.

♡ I'll remember you { Miyerkules, Pebrero 11, 2009 }

about

Name : Daniel
Nick : same as above
Age : currently 17
D.O.B : may 22 1992
Horoscope: gemini
School: why the hell do you want to know? are you going to kidnap me or something?




archives

Disyembre 2005, Enero 2006, Pebrero 2006, Marso 2006, Abril 2006, Mayo 2006, Hunyo 2006, Hulyo 2006, Agosto 2006, Setyembre 2006, Oktubre 2006, Nobyembre 2006, Disyembre 2006, Enero 2007, Pebrero 2007, Marso 2007, Abril 2007, Mayo 2007, Hunyo 2007, Hulyo 2007, Agosto 2007, Nobyembre 2007, Disyembre 2007, Enero 2008, Pebrero 2008, Marso 2008, Mayo 2008, Agosto 2008, Setyembre 2008, Oktubre 2008, Nobyembre 2008, Disyembre 2008, Enero 2009, Pebrero 2009, Marso 2009, Abril 2009, Agosto 2009, Setyembre 2009, Oktubre 2009, Nobyembre 2009,

layout

Designer: inkSPLASH
Resources: 1 2 3