3.14.2009
Sayang.
Kahapon ay recognition day sa beda taytay at super bilis lang nung program. Wala naman masyadong nangyari. Nagpunta lang ako sa school ng super aga at nakasabay ko pa si Benedict Manaois sa jeep mula Santolan hanggang Golden City. Nagulat nga ako andun siya eh. Oh well. Ayun, nagpractice kami ng kasama ng glee club sa music room para sa sa Thanksgiving Mass sa graduation day kasi kami ang choir na kakanta. Glee Club and friends ika nga nila. :D Kasama sa "and friends" na title sina: Serote, Ribaya, Rivor, Alarva, Manaois and syempre ako. Sabit lang kumbaga kasi pinili kami ni Sir Jordan.After nung recognition day, nagpunta kami ng nanay ko sa SM Taytay at nanuod ng Race to Witch Mountain, 2 times. :)) Tinatamad pa kasi ako umuwi kaya sabi ko ulitin namin. Ayun. 9 na kami nakaalis sa SM at dumirecho pa kami sa Galleria para kumain ng dinner.
Mga 12 na kami nakarating sa bahay.
Ngayon naman, merong event sa Beda Taytay. Pinerepare ito ng Student Council as a year-end gift to the student body. Battle of the bands siya entitled BANDing Session. Magsastart siya ng 5 at mageend ng mga 9 ata. Dapat pupunta ako eh. DAPAT. Sobrang tinamad lang ako kasi walang nagrereply nung nagtatanong ako kung pupunta sila. Sa isip ko, baka pag nagpunta ako dun, wala akong makasama kaya wag nalang. Kasi alam ko naman na andun sina Bea, Pan, Daday, Julian, and other SC people kaso magtatrabaho sila dun. Hindi naman ako pwedeng susunod sunod sa kanila kasi nga may ginagawa sila. SO AYUN. DI AKO PUMUNTA. :(
I know I'm going to miss alot on the event lalo na't last ko na ito sa high school pero andaming factors na nagdrive sakin na hindi na pumunta.
Una: MALAYO! :))
haha.Yun lang ata. :D
So ayun. Sayang nga pero wala na akong magagawa. Nasa huli ang pagsisi. Goodluck nalang kay Riel na isang hamak na secondyear na sumali. :D
BANG BANG!! :D
♡ I'll remember you { Sabado, Marso 14, 2009 }