3.14.2009
Sayang.
Kahapon ay recognition day sa beda taytay at super bilis lang nung program. Wala naman masyadong nangyari. Nagpunta lang ako sa school ng super aga at nakasabay ko pa si Benedict Manaois sa jeep mula Santolan hanggang Golden City. Nagulat nga ako andun siya eh. Oh well. Ayun, nagpractice kami ng kasama ng glee club sa music room para sa sa Thanksgiving Mass sa graduation day kasi kami ang choir na kakanta. Glee Club and friends ika nga nila. :D Kasama sa "and friends" na title sina: Serote, Ribaya, Rivor, Alarva, Manaois and syempre ako. Sabit lang kumbaga kasi pinili kami ni Sir Jordan.

After nung recognition day, nagpunta kami ng nanay ko sa SM Taytay at nanuod ng Race to Witch Mountain, 2 times. :)) Tinatamad pa kasi ako umuwi kaya sabi ko ulitin namin. Ayun. 9 na kami nakaalis sa SM at dumirecho pa kami sa Galleria para kumain ng dinner.

Mga 12 na kami nakarating sa bahay.

Ngayon naman, merong event sa Beda Taytay. Pinerepare ito ng Student Council as a year-end gift to the student body. Battle of the bands siya entitled BANDing Session. Magsastart siya ng 5 at mageend ng mga 9 ata. Dapat pupunta ako eh. DAPAT. Sobrang tinamad lang ako kasi walang nagrereply nung nagtatanong ako kung pupunta sila. Sa isip ko, baka pag nagpunta ako dun, wala akong makasama kaya wag nalang. Kasi alam ko naman na andun sina Bea, Pan, Daday, Julian, and other SC people kaso magtatrabaho sila dun. Hindi naman ako pwedeng susunod sunod sa kanila kasi nga may ginagawa sila. SO AYUN. DI AKO PUMUNTA. :(

I know I'm going to miss alot on the event lalo na't last ko na ito sa high school pero andaming factors na nagdrive sakin na hindi na pumunta.
Una: MALAYO! :))
haha.Yun lang ata. :D

So ayun. Sayang nga pero wala na akong magagawa. Nasa huli ang pagsisi. Goodluck nalang kay Riel na isang hamak na secondyear na sumali. :D

BANG BANG!! :D

♡ I'll remember you { Sabado, Marso 14, 2009 }

about

Name : Daniel
Nick : same as above
Age : currently 17
D.O.B : may 22 1992
Horoscope: gemini
School: why the hell do you want to know? are you going to kidnap me or something?




archives

Disyembre 2005, Enero 2006, Pebrero 2006, Marso 2006, Abril 2006, Mayo 2006, Hunyo 2006, Hulyo 2006, Agosto 2006, Setyembre 2006, Oktubre 2006, Nobyembre 2006, Disyembre 2006, Enero 2007, Pebrero 2007, Marso 2007, Abril 2007, Mayo 2007, Hunyo 2007, Hulyo 2007, Agosto 2007, Nobyembre 2007, Disyembre 2007, Enero 2008, Pebrero 2008, Marso 2008, Mayo 2008, Agosto 2008, Setyembre 2008, Oktubre 2008, Nobyembre 2008, Disyembre 2008, Enero 2009, Pebrero 2009, Marso 2009, Abril 2009, Agosto 2009, Setyembre 2009, Oktubre 2009, Nobyembre 2009,

layout

Designer: inkSPLASH
Resources: 1 2 3