4.07.2009
GOLDWIN!!
Kahapon nagpunta ako ng UST para iconfirm ang slot ko para sa kursong Communication Arts ng College of Arts and Letters. First and foremost, ang layo ng building ko sa Espana Gate. The hell. Ang haba nung lalakarin. Nakakaloka. Hahaha. Dumating ako dun ng mga 9am tapos pumasok na kaagad ako sa building. Orientation muna tapos fill-up ng forms. Mga 30mins after ko dumating, dumating na din si Quimbo tapos pag-lingon ko, tumambad sa aking harapan ang isang maitim na nilalang na mula sa kasaysayan ng aking pagkatao. :)) LALIM AMPUTA. Si Juan Miguel T. Diaz Sales lang naman. Sa mga nakakakilala sa kanya na gustong mangamusta, nasakin yung number niya. At infairness pareho kami ng course. Tapos kinuha nung Auditor ng CASA (Communication Arts Students' Association) yung email namin at cellphone numbers. Cute siya infairness. Parang tanga lang yung pangalan niya, GOLDWIN. :))
After UST, nagpunta kami ni mama sa MoA para kumain ng lunch which was a wrong moe kasi super dami ng tao. Last day kasi nung sale nila. Wala kaming makainan punyeta. Lahat puno. Eh nakakatamad na maghintay. Gusto namin pagkapasok upo, kain. Hahah. May nakita kami cafe na walang tao kaya dun na kami kumain. Pano ba naman, CHEESECAKE Cafe kasi yung nakalagay sa labas. Akala siguro nung mga tao cheescake lang ang tinitinda nila. :)) Medyo mahal nga ung food kasi dalawa lang kami ni mama naka-600 kami tapos hindi pa kami masyadong nabusog. Buti pa sa Burgoo. Same price pero puta hindi namin maubos. :))
Tapos ayun, libot libot. Nabigyan pa ako nung free na 21 trial capsules ng BIO-FITRIM na itatry ko for 7 days. Odiba bongga? :)) hahaha. Sana umepekto. :)) 3 times a day daw yun tapos mawawalan daw ako ng gana kumain kaya konti lang yung makakain ko. Effective kaya to? hahah. GOODLUCK.
Magsa-start narin akong mag-gym next week. Yay. Talagang porsigido na akong magbawas ng timbang. Masyado na akong mabigat. It's better late than never sabi nga nila diba? :))
Oh well anyways.
Bye Bye.
Off to bore myself again.
♡ I'll remember you { Martes, Abril 07, 2009 }